Nasa ibaba ang isang balik-aral na pagsusulit ukol sa Wastong Gamit ng mga salita o kataga bilang bahagi ng ALS A&E Test: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO:
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa Dabaw _____ ang punta ni Maribeth upang makita ang agilang kumakain ng unggoy.
A. rin
B. din
2. Natigil ang laro ng mga bata _______ biglang bumuhos ang malakas na ulan.
A. ng
B. nang
3. ________ mo ng pampakintab ang mga baitang ng _________.
A. Pahirin / hagdan
B. Pahiran / hagdanan
C. Pahirin / hagdanan
D. Pahiran / hagdan
4. Pagkatapos mong magluto ay _________ mo naman ang silong ng bahay.
A. walisin
B. walisan
5. Sa bakasyon ay ________ ni Manolo ang mag-aral lumangoy.
A. susubukin
B. susubukan
6. Tumaas ang kanyang mga balahibo nang marinig na tila _______ umiiyak sa loob ng nitso.
A. mayroon
B. may
7. Sa tag-araw ________ magtatanim ng mais ang Mamay Pitong.
A. raw
B. daw
8. Makisig ang guwardiyang nakatalaga sa harap ng ________ ng gusali.
A. pintuan
B. pinto
9. ________ sa sapa manghuhuli ng hipon ang mga Kaka.
A. Roon
B. Doon
10. Huwag kang _______ sa kamay ko para hindi ka mawala.
A. bibitiw
B. bibitaw
11. Gawa sa nara ang ikinabit na ________ ni Gng. Ligaya.
A. pinto
B. pintuan
12. ____________ mo ang mantikilya sa kanyang pisngi.
A. Pahiran
B. Pahirin
13. Bigyan mo ng ________ si Berto upang maibsan ang kanyang uhaw.
A. inumin
B. inuman
14. Tawagin mo ako agad _______ dumating na ang Tatay.
A. kung
B. kapag
15. Ipinapayo ni Mon na magbati kami ni Jeffrey _____ siya man ay galit sa binata.
A. samantalang
B. habang
16. Sinabihan ng guro ang kanyang mga mag-aaral na huwag _______ kapag hindi tinatanong.
A. kikibo
B. iimik
17. Ipinangako ni Danica sa sarili na hindi na siya iiyak ________ siya ay nabubuhay.
A. samantalang
B. habang
18. __________ninyo ang mga laglag na dahon sa bakuran.
A. Walisin
B. Walisan
19. Nakadepende ang pagpunta natin sa dagat ______ uulan o hindi sa Lunes.
A. kapag
B. kung
20. Dahil sa kanyang hinala, walang nagawa si Julien kundi ________ ang kanyang kumpare.
A. subukan
B. subukin
--o0o--
MGA SAGOT: