Wednesday, October 26, 2011

ALS A & E October 2011 Results


Yesterday, 24 September 2011, is the last day for the October 2011 Alternative Learning System A & E Test. I guess most of the candidates who took the test just said "thank you" that it's over. However, the tension begins to boil until the release of the October 2011 ALS A & E Test Results. Last year, the results was released in February 2011. I guess DepEd shall do the same next year.

In the meantime, those who are sure that they "made it" especially those who are planning to take college courses should register and take the entrance exam of the school they are planning to enroll. If the high school diploma issued by DepEd is the problem, you can talk to the Registrar and tell him/her your situation. Maybe they will accept you to take the test but you will only be officially registered if you submit your documents from DepEd.


At this time, review for your college entrance examinations. Most colleges and universities focus their entrance exams on English, Mathematics, Verbal & Abstract Reasoning.

Monday, October 17, 2011

Correct Usage: Between You and Me VS Between You and I

The correct English grammar is "between you and me".

Between is a preposition. In English, a preposition must be followed by an indirect object pronoun.
Me is an indirect object pronoun.
I is a subject pronoun.
Therefore, between must be followed by me, not I

Example:
1. This agreement is only between you and me.
2. I want you to keep this between you and me.

Monday, October 10, 2011

Sample Test: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 2

1.      Alin ang pinakamalaking simbahan na itinayo noong 1758 at may pagkakatulad sa Basilika ni San Pedro sa Roma?
a.          Simbahan ng Imus
b.         Simbahan ng Taal
c.          Simbahan ng Sariaya
d.         Simbahan ng Antipolo
St Peter's Basilica in Rome

2.      Bakit ang mga tao sa Pilipinas ay dumaranas ng tag-init at tag-ulan sa loob ng isang taon?
a.          Ang mga tao ay hindi handa sa La NiƱa
b.         Ang Pilipinas ay malayo sa polong timog
c.          Maraming dayuhan ang naninirahan sa Pilipinas
d.         Ito ay nasa sonang tropiko, malapit sa ekwador


Antipolo Church

3.      Maraming mga dakilang simulain ang natutuhan natin sa mga Pilipino tulad ni Dr. Jose Rizal. Paano nakipaglaban ang bayaning ito?
a.          sa pamamagitan ng panulat
b.         sa pamamagitan ng armas
c.          sa pamamagitan ng rally
d.         sa pamamagitan ng pagsesermon

4.      Ang ating bansa ay pinamumunuan ng magigiting na lider o pinuno. Sino ang unang nahalal na pangulo ng Pilipinas?
a.          Emilio Aguinaldo                       c. Emilio Jacinto
b.         Andres Bonifacio                      d. Apolinario Mabini

Sariaya Church

5.      Alin ang wikang ginagamit noong panahon ng Rebolusyon na naging daan upang mapag-isa at mapaunlad ang bansang Pilipinas?
a.          Wikang Kastila             c. Wikang Pilipino
b.          Wikang Malayo           d. Wikang Ingles

6.      Ano ang tawag sa sapilitang pang-aagaw sa kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas military?
a.           referendum                              c. plebisito
b.          snap election                            d. Coup de’etat

7.      Ano ang ipinahihiwatig ng talata tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila?
a.          Tinanggap ng mga Pilipino ang uri ng pamamalakad ng mga Kastila
b.         Nahirapan ang mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Kastila
c.          Namayani ang takot sa mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila
d.         Hangad ng mga Pilipinong makawala sa pamamahala ng mga Kastila

Imus Cathedral

8.      Ano ang pangunahing kahinaan ng pag-aalsa?
a.          Pagiging kalat-kalat ng mga ito
b.         Pagkakaiba-iba ng mga layunin
c.          Pagpapalit ng mga pinuno
d.         Kakulangan ng mga sundalo

9.      Anong aral ang naiwan ng mga pag-aalsa?
a.          Kailangan ang makabagong istratehiya sa pakikipaglaban
b.         Kailangan ang malaking pondo
c.          Kailangan ang pagkakaisa sa pagtatagumpay ng anumang layunin
d.         Kailangan ang matatag na hukbo sa pakikipaglaban

10.  Nang magkaroon ng himagsikan noong 1896, kinalimutan ng mga Pilipino ang pagiging Tagalog, Bisaya, Ilokano o Kapangpangan at sama-samang ipagtanggol ang kalayaan. Sa kabila ng pagkabigo, alin sa mga sumusunod  ang maituturing na pinakamahalagang nagawa ng himagsikan?
a.          Nagbuklod-buklod ang mga Pilipino
b.         Napahina ang kapangyarihan ng mga Kastila
c.          Naipakita ng mga Pilipino ang kanilang kabayanihan
d.         Nakilala kung sino ang maaaring maging lider ng bansa
Basilica de San Martin de Tours (Taal)

Sample Test: DEVELOPMENT OF SELF AND SENSE OF COMMUNITY - Part 2

Sagutin ng TAMA O MALI

_________ 1. Hayaan gumawa ng paraan ang mga mahihina sa pangkat.

__________2. Sabihin nang may katapatan kung hindi kakayanin ang gawain bago tanggapin ito.

_________ 3. Simulan at tapusin ang gawain sa takdang panahon.

_________ 4. Buong pagyayabang na gawin ang mga ipinagagawa sa iyo.

_________ 5. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang gawaing ipinagagawa.

_________ 6. Huwag mangako ng hindi matutupad.

_________ 7.  Huminto sa paglalaro at tulungan ang nasaktan o nasugatang manlalaro ng  kalabang lupon.

_________ 8. Igalang ang opinion o pananaw ng ibang tao.

_________ 9. Hintaying itaas ang green light bago tumawid ng kalsada

_________ 10. Gamitin ang oras sa mga bagay na nakatutulong at kasiya - siya.

_________11. Magkibit-balikat lamang kapag may nabasang bagong lunsad na tuntunin o batas sa pahayagan.

_________ 12. Malayang sinabi ni Oscar ang kanyang isinasa-loob nang di-nakalalabag sa batas.

_________ 13. Nakikibahagi si Pepe sa mga proyektong naglalayong makalikom ng pondo para sa mga pangkat-etniko.

_________ 14. Sikaping magkasundo ang mga magkaaway para sa kabutihan ng layunin ng pangkat.

_________15. Kapag kasapi sa isang pangkatang gawain pumili ng bahaging madali at mag-isang gumawa.

Sample Test - LEARNING STRAND FIVE: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 2

Piliin ang titik ng tamang sagot:

1.      Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiayang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a.       Bumbero                                  c. Manggagamot
b.      Guro                                        d. negosyante

2.      Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinakamatandang kapatid na babae?
a. Ate                                             c. Bunso
b. Kuya                                          d. Ninong

3.      Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?
a.       sunugin                         c. I-recycle
b.      ikalat                            d. Ibaon

4.      Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?
a.       Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansa
b.      Matutuhan ang paglalakbay ng tao
c.       Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbay
d.      Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan

5.      Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
a.       Ang kapal ng populasyon ay mataas
b.      Patuloy ang pagtaas ng populasyon
c.       Ang bilang ng lalaki at babae ay pantay
d.      Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan

6.      Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?
a.       Pagandahin ang bahay
b.      Para mamuhay ng tahimik
c.       Para magkasama-sama palagi
d.      Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig

7.      Ang sistemang solar ay sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?
a.       Pagsabog sa masa
b.      Pagsalpok ng mga tubig
c.       Pagsanib ng malaking bituin
d.      Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas

8.  Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a.       sa mga samahang sibiko
b.      sa buwis ng mga mamamayan
c.       sa mga abuloy ng pondo ng bayan
d.      sa mga mamamayan ng ibang bansa

9.      Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a.          Masipag magdasal ang mga Pilipino
b.         Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoon
c.          May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipino
d.         May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino

10.  Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.
a.          Inilagay ang bansa sa state of calamity
b.         Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansa
c.         Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawa
d.         Naganap ang People’s Power sa Edsa

11.  Ang pamahalaan ay nagpapautang sa taong bayan ng puhunan sa maliit na interes upang magsimula ng isang negosyo. Bakit ginagawa ito ng pamahalaan?
a.          upang tumatag ang pamumuhay
b.         upang makapamuhay ng tahimik at ligtas ang taong bayan
c.          upang makapag-aral ang mga mamamayan
d.         upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan

12.  May mga lugar sa bansa na malamig sa buong taon. Alin ang nagpapakita ng pakikibagay ng tao sa kapaligiran?
a.          paglalagay ng mga apuyan sa isang bahagi ng bahay
b.         paggamit ng bubong na pawid
c.          pagpapatayo ng mababang bahay
d.         pagsusuri ng kapaligiran

13.  Taun-taon, maraming patimpalak ang idinaraos, tulad ng pagguhit o pagpipinta, pagtuklas at pagsusulat. Kinikilala rin ang mahusay sa pag-awit, pagsayaw o pagtugtog. Ano ang ibig sabihin nito?
a.          may kanya-kanyang talino o kakayahan ang mga bata
b.         mahilig maglibang ang bawat bata
c.          may katutubong sipag ang mga bata
d.         marunong umawit ang bawat bata

14.  Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hinati-hati ang Pilipinas sa mga rehiyon?
a.          upang maging madali ang pagdurugtong ng iba’t-ibang pulo ng bansa
b.         upang maging maginhawa an g paglalakbay sa iba’t-ibang pulo ng bansa
c.          upang maging mabilis ang pagpapalitan ng kalakal sa ibat-ibang panig ng bansa
d.         upang maging mabilis ang pagpapatupad ng proyekto at paglilingkod ng pamahalaan

15.  Alin sa mga sumusunod ang panukatang salapi sa Pandaigdigang Pamilihan?
a.          Piso                              c. Yen
b.         Dolyar                          d. Rupiya

Sample Test : SUSTAINABLE USE OF RESOURCES/PRODUCTIVITY- Part 2

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang character reference o listahan ng mga taong maaaring pagtanungan sa iyong pagkatao ay.
a.       listahan ng mga taong nakakakilala sa iyo at maaaring makapgpatunay sa iyong mabuting ugali.
b.      listahan ng mga dokumentong kasama sa iyong bio-data tulad ng sertipiko ng kapanganakan.
c.       listahan ng iyong kasanayan, katangian at kaugalian sa trabaho
d.      listahan ng mga taong hindi mo kilala ng personal

2. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng de-kalidad na produkto at serbisyo?
a.       tumutugon sa pangangailangan ng customer                  
b.      may magandang anunsiyo sa radyo at telebisyon            
c. magaan sa bulsa
d. ginagamit ng iyong kapitbahay

3. Ang pestisido ay mga sangkap na ginagamit ng kapitbahay sa _____________.
a.       pagkontrol sa mga peste                    
b.      pagpapanatili sa mga kalusugan ng mga halaman 
c.   pagpapanatili sa kalinisan ng tubig
d.   pagpapagamot sa mga sakit ng tao


4. Ang kemikal na pangkontrol ay dapat gamitin lamang ___________.
a.       kapag ang mga alternatibong pamamaraan upang kontrolin ang mga peste ay hindi maaaring gamitin at bilhin.
b.      kung kalian maaari
c.       sa tuwing may peste
d.      kapag wala nang oras upang maghanda ng mga alernatibong pangontrol sa peste.

5. Ang Integrated Pest Management (IPM) ay isang konsepto na _____________.
a.       tumutulong sa pagpapanatili ng balance sa kalikasan.
b.      nagbibigay ng mga epektibong pamamaraan upang labanan ang mga sakit at peste sa mga halaman
c.  Pinag-aralan ang siklo (cycle) ng buhay ng mga peste upang makahanap ng mga natural na pamamaraan sa pagpuksa ng mga ito.
d.      lahat ng mga nabanggit sa itaas.

6. Ano ang halimbawa ng protective factor?
a.       mahinang kakayahang makipagkapwa-tao at makisalamuha
b.      matatag at positibong ugnayan sa pamilya
c.       magulong tahanan
d.      kaugnayan sa mga kaibigang mahilig sumuway sa tama

7. Alin sa mga sumusunod ang isang serbisyong panggagamot sa mga drug addict o gumagamit ng ipinagbabawal ng bawal na gamot?
       a. laboratory test                    
       b. Edukasyon ukol sa droga 
       c. Psychiatric care 
       d. Drug Test

8. Ginagawa ng huwarang empleyado ang kanyang trabaho.
a.       sa paraang sinasabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho
b.      sa paraang gusto ng kanyang mga employer
c.       sa nararapat na paraan
d.      sa paraang gusto niya

9. Piliin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paghahanap ng trabaho.
  I. Ihanda ang bio-data at panglakip na liham sa pag-aaplay.
 II. Maghanap ng mga palathala o anunsyo tungkol sa mga bakanteng posisyon o trabaho
 III. Magpa-interview o makipanayam

a. III, II, I         c. I, II, III
b. II, I, III         d. Kahit anong ayos                             

10. Alin sa mga sumusunod na kasalan ang ipinagdiriwang ng isang hukom o alkalde?
a. simbahang kasalan                            c. Kasalang pantribo
b. kasalang sibil                                    d. Kasalang pambarangay

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pares na may pagkakaiba sa pinansiyal at katayuan sa buhay?
a.       Ang lalaki ay mayaman, ang babae ay mahirap
b.      Ang lalaki ay 48 gulang, ang babae ay 30 gulang
c.       Katoliko ang lalaki, ang babae ay Iglesia ni Cristo
d.      Mataba ang lalaki, payat ang babae

12. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iyong  kabiyak ay isang palatandaan ng ___________.
       a. pag-aalaga                                             c. Pagtutulungan
       b. pag-unawa                                            d. Katapatan

13. Nangyayari ang stress kapag nakakaranas ka ng tension sa iyong katawan. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo mararamdaman kung ikaw ay nastress?
            a. napakalungkot                                  c. Nababagot
b. labis na natutuwa                              d. Nininerbiyos

14. Alin sa mga sumusunod ang  sintomas ng stress?
a.       mga nanlalamig na paa at kamay
b.      pananakit ng tiyan
c.       labis na pagpapawis
d.      lahat ng nabanggit

15. Nakababawas ng stress ang pagre-relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. pagninilay-nilay                                  c. pagbabakasyon
b. panood ng pelikula                             d. Paninigarilyo
=============================================================
Mga Tamang Sagot:
15. d 14. d 13. b 12. b 11. a
10. b 9. b 8. c 7. c 6. b
5. d 4. a 3. a 2.a 1. a