Panuto: Piliin ang
tamang letrang sagot at ilagay ito sa inyong ¼ laki ng papel.
1. “Ayaw kong palupig sa hinalang ang mga dahilang
tinubos ng luha at dugo ay mga anino lamang ng mga dantaon ay tumatawag at
walang nakaririnig”. Ang sanaysay na ito ay nagpapahiwatig ng
_________________.
A. kabiguan
B. may pag-asa C. may
kasiyahan D. may paglupig
2. Ito ang katawagan sa awiting bayan sa mga kasalan
ng katutubo.
A. Ihiman
B. oyayi
C.
diona
D. soliranin
3. Mula sa “Kung anong bukambibig siyang laman ng
dibdib”. Ito ay isang uri ng ________________.
A. tugmaan
B.
bugtong
C. tula
D. salawikain
4. Siya ang sumulat ng “Hulyo 4, 1954 A.D.” na
nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca noong 1953-1954.
A. Rogelio
Sicat B. Dionisio
Salazar C. Edgardo Reyes D.
Amado V. Hernandez
5. Ang pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay
na may 18 salaysay at sinakop ang tatlong henerasyon.
A. Alim
B.
Maragtas C.
Haraya
D. Hinilawod
6. Alin ang kasintunog
ng salitang may salungguhit? Pag-ibig ang kailangan ng daigdig.
A.
Pagsuyo
B.
Mundo
C.
Tahanan
D. Paligid
7. Ano ang kahulugan
ng salitang may salungguhit? May mga taong bukas
ang palad sa mga mahihirap.
A. Matulungin
B.
Mayaman
C. Matapat
D. Maawain
8. Ano ang kahulugan
nito? Puwit man ng baso’t suot ng mayaman, ang tingin ng tao’y
brilyanteng makinang.
A. Mapang-api
B. Pagtingala sa mayaman
C. Mapagbalatkayo
D. Tulong sa kabuhayan
9. Alin sa mga
pangungusap ang higit na epektibong pagpapahayag?
A. Nang nailikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan.
B. Nang bumaha sa aming bayan ay nailikas na ang mga tao.
C. Pagkalikas sa mga tao ay bumaha sa aming bayan.
D. Nang lumikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan
10.Kuha ito sa Ang
Bayan Ko’y Ito, Ito ang Bayan Ko ni Jose Villa Panganiban:
Sa
iisang lahi at iisang wika’y magkasamang lahat
Mutya ng Silangan ay tunay ngang mutyang
Marangal ang sukat.
Alin ang ipinahihiwatig nito?
A. Matinding
poot
C. Dakilang damdamin
B. Mababang uri ng
kaisipan
D. Marahas na damdamin
11. Alin ang kahulugan
ng AMPALAYANG-AMPALAYA?
A.
Takot
B. Kuripot C.
Makulit D.
Lokohin
12. Alin
kaisipan ang inilalarawan ng bugtong? Ako’y nagpunla ng
sangkabang mais
Pagka-
umaga’y biglang napaalis.
A.
Buwan
B. Bituin
C.
Bulalakaw
D. Bawang
13. Ang sumusunod ay
isang kantahing bayan.
Ayokong, ayokong mag-alaga ng manok.
Pag ako’y umalis pag ako’y umalis,
Iba ang hahaplos
Sa aking pagdating, sa aking pagdating
Balahibo’y gusot, Ito ang simula, ito ang simula
Ng sama ng loob.
Ano ang isinasaad ng awitin?
A. Ang hindi niya pagkagusto sa babaeng nagtataksil sa
asawa.
B. Di niya ibig na mag-alaga ng manok na iba naman ang
kakain.
C. Umiiwas siyang sumama ang loob.
D. Mahirap mag-alaga ng manok pangsabong
14. Alin Kaisipan ang
inilalarawan ng bugtong na ito? Bahay ni Kiko, walang bintana, walang
pinto.
A.
Langka
B.
Saranggola
C.
Itlog
D. Kabaong
15. Alin
sa mga pangungusap ang may tamang gamit ng pantukoy na pananda?
A. Mag-aaral ang UST ang nagwagi sa timpalak.
B. Mag-aara ang UST ang nagwagi ng timpalak
C. Mag-aaral ng UST ang nagwagi sa timpalak
D. Mag-aaral ng UST ang nagwagi ng timpalak
16.
Alin ang kasintunog ng salitang may salungguhit? Tinamaan
ng palaso ni Kupido ang kanyang puso.
A.
Mabigo
B.
Palalo
C.
Katoto
D. Magaso
17. Kuha ito sa Pagsisi
ng Isang Bilanggo ni Cirio H. Panganiban:
Mga magulang kong
labis magpalayaw Tingnan
ninyo akong labis na minahal
Kaluluwa ninyo ngayon
ay
nasaan?
At ngayo’y lugami sa hirap ng buhay.
Alin
di-berbal na komunikasyon ang maaaring gamitin para makapagpapatingkad sa diwa
nito?
A.Kumpas na
pasubaybay
C. Kumpas na paturo
B.Kumpas na
pahawi
D. Kumpas na pauyan na may kibit ng balikat
18.Ano ang kahulugan
ng talatang ito? Batong tuntungan mo sa pagkadakila, batong tuntungan nang sa
pamamayapa.
A.
Talino
B.
Kalan
C.
Balatkayo
D. Monumento
19.Ang kantahing bayan
na inaawit ng mga ilokano at Igorot sa mga naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa.
A.
Dandansoy
B.
Pamulinawen
C. Dung-aw
D. Dalit
20. Ang panahong ito
ay itinuring na gintong panahon sa panitikan.
A.
Amerikano
B.
Aktibismo
C. Kastila
D. Hapon