PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pantangi?
A. paaralan
B. Titser Grace
C. punong-guro
D. lungsod
2. Alin ang HINDI pangngalang pambalana ng “Filipino”?
A. wika
B. pagkamamamayan
C. bansa
D. asignatura
3. Anong uri ng pangungusap ito: “Kunin mo ang aking payong sa loob ng
bahay.”?
A. paturol
B. padamdam
C. pakiusap
D. pautos
4. Maaari ka bang pumunta sa aking kaarawan?
A. Sa makalawa na ba iyon?
B. Oo. Salamat sa iyong imbitasyon.
C. Malayo ang bahay ninyo.
D. Gano’n ba? Ay, sayang!
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi tambalang pangungusap?
A. Magaling na mang-aawit si Marife at mayroon siyang konsyerto sa
Lunes.
B. Tumakbo nang tumakbo si Bitoy hanggang napagod.
C. Salawahan ba si Adela o nag-iingat lang siya sa pagpili ng
makakaisang-dibdib?
D. Si Niko ay nagwawalis ng bakuran habang si Anita ay nagluluto ng
hapunan.
6. Ano ang pang-abay sa pangungusap na ito: “Madalas ay walang makain
ang aming pobreng kapitbahay.”?
A. Madalas
B. makain
C. aming
D. pobreng
7. Ang hawak kong puting kalapati ay pag-aari ng aming bunso. Ito ay
_____.
A. akin
B. amin
C. kanya
D. kanila
8. _______ mo ng mantikilya ang mga tinapay.
A. Pahidan
B. Pahiran
C. Ipahid
D. Pahirin
9. Mahilig maglubid ng buhangin si Kakang Iska dahil siya ay ________.
A. mahilig sa sining
B. batikang iskultor
C. isang sinungaling
D. nangangalaga ng likas-yaman
10. Batugan ang kakambal ni Efren kasalungat sa kanyang pagiging _____.
A. masikap
B. maagap
C. masigla
D. masipag
11. Nakakita si Romnick ng __________ bibe.
A. matatabang tatlong puting
B. puting matatabang tatlong
C. tatlong matatabang puting
D. tatlong puting matatabang
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI diptonggo?
A. aliwan
B. beywang
C. sisiw
D. baduy
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDi kambal-patinig?
A. klase
B. petsa
C. gripo
D. komiks
14. Sa kanyang mga anak, itinuturing ni Mang Dado na _______ si Emilie.
A. responsable
B. mas responsable
C. higit na responsable
D. pinakaresponsable
15. Siksikan ang nasakyan niyang tren. Ito ay __________.
A. di-maliparang uwak
B. buhaghag
C. di-mahulugang karayom
D. masinsin
16. Isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong
karaniwang nagtatampok sa mga hayop bilang mga tauhan.
A. kuwentong-pambata
B. korido
C. parabula
D. pabula
17. Alin sa mga sumusunod ang isang katotohanan?
A. Naging meyor ang kasalukuyang Presidente ng Pilipinas.
B. Magaling na mambabatas ang kinatawan ng Bulacan.
C. Maraming buwaya sa Kongreso.
D. Dahil nagtatrabaho sa munisipyo, tiyak na tiwali ang aming
kapitbahay.
18. Ang darating na tulong pinansyal mula sa DSWD ay _______ mga
mahihirap.
A. ayon sa
B. para sa
C. ukol sa
D. laban sa
19. Dahil sa Covid-19, limitado ang “face-to-face teaching and
learning”.
A. Hindi pinapayagan ang personal na ugnayan ng guro at mga mag-aaral.
B. Hindi pinapayagan ang pagbubukas ng klase.
C. Ang personal na ugnayan ng guro at mga mag-aaral ay nakadepende sa
sitwasyong pangkalusugan at pangkaligtasan.
D. Mula Lunes hanggang Biyernes ang pasok ng guro at mag-aaral.
20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangatnig na paninsay?
A. Nakuha niya ang pinakamataas na grado dahil sa kanyang kasipagan sa
pag-aaral.
B. Guwapo nga siya nguni’t suplado naman.
C. Walang kaso sa akin maging si Juan ang mapiling konsorte.
D. Kailangan mong mag-ingat kung lulusong ka sa ilog.
MGA SAGOT