Dahil dito, hataw na ang ginagawang review ng mga estudyanteng nagpatala sa pagsusulit sa tulong ng kanilang mga guro at coordinators.
Narito ang ilang tips o dapat gawin ng mga kukuha ng ALS exams:
1. Dalhin ang mga kailangang gamit na nakasulat sa inyong permit o sinabi ng inyong coordinators.
2. Kung lapis ang gagamitin, siguraduhing may reserba kayo o kaya ay may dalang pantasa at pambura.
3. Basahin mabuti kung paano sasagutin ang mga tanong. Sundin ang sinasabi ng proctor.
4. Umihi muna bago pumasok sa kuwarto kung saan gaganapin ang pagsusulit.
5. Huminga nang malalim at maging kalma bago simulan ang pagsagot sa mga tanong.
6. Kung hindi sigurado ang sagot sa isang tanong, sagutin pa rin ito subali't lagyan ng maliit na marka sa tabi ng numero nito upang balikan kung sakaling may oras pa.
7. Gawing mabilis ang pagsagot sa mga tanong nguni't huwag mataranta. Kung may oras pa, basahin muli ang mga tanong at ang inyong sagot.
8. Saguting mabuti ang essay portion o sanaysay ng pagsusulit. Sa aking palagay, kahit mataas ang nakuhang marka sa multiplee choice kung napakababa naman sa essay ay BAGSAK o FAIL pa rin ang kalalabasan.
9. Gawing malinaw sa pagsusulat ng sanaysay/essay. Dapat ay may iisang diwa lamang ang isang paragraph at magkakaugnay ang bawa't paragraph.
10. Huwag agad lalabas ng silid kung sakaling may oras pa. Rebesahin ang inyong mga sagot.