Nalalapit na ang pagsusulit sa Alternative Learning System Equivalency & Accreditation Exam sa susunod na buwan. Sa palagay ko ay abala na sa pagbabalik-aral ang mga mag-aaral na kukuha ng pagsusulit. Isang paalala sa mga kukuha ng exam ay ang maging mahinahon o kalma sa araw na iyon upang makapag-isip nang mabuti. Isipin rin na mahalaga ang pagsulat ng sanaysay o essay na bahagi ng pagsusulit. Ayon sa aking pagkakaalam, kahit mataas ang score sa multiple choice, may pagkakataong bumabagsak sa test ang isang kumuha nito dahil na rin sa baba ng score sa essay. Agahan din ang pagpunta sa lugar na pagkukunan ng pagsusulit kung nangangailangan pa ito ng pagsakay sa bus o jeep. Kumain din nang maayos sa araw na iyon dahil nakakabawas ng konsentrasyon ang kumakalam na sikmura. Basahin mabuti ang mga tanong at unawain.
Ang pagusulit ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay may kabuuang 100 puntis na kinapapalooban ng 5 konsepto na may tig-25 na tanong na multiple choice at/o tama o mali (true or false). Ang huling bahagi ay ang pagsulat ng sanaysay (essay writing) sa wikang Filipino (high school o elementary level).
Sa mga kukuha ng test, good luck!