Ano ang passing score upang pumasa sa Alternative Learning System (ALS) Presentation Portfolio Assessment (PPA) para sa taong 2023-2024?
Ang minimum score upang magawaran ng katunayan atmaging PPA passer ay 35 points.
Nasa ibaba ang pinakamataas na score at ang minimum na dapat makuha ng isang ALS learner:
A. Work Samples Maximum Pts Minimum Pts
1. Learning Strand 1 (English) 4 3
2. Learning Strand 1 (Filipino) 4 3
3. Learning Strand 2 4 3
4. Learning Strand 3 4 3
5. Learning Strand 4 4 3
6. Learning Strand 5 4 3
7. Learning Strand 6 4 3
28 21
B. Proficiency Tests (PT)
1. Reading (English) 3 No proficiency test score below 2 points
2. Reading (Filipino) 3 A Division qualifier is only allowed
3. Writing (English) 3 to score 2 points in 2 of the 4 PT to be
4. Writing (Filipino) 3 able to get the minimum score of 10 pts
12 10
C. Interview 5 4
Note: Ang pinakamataas na score para sa Inter-District Revalida (Proficiency Test + Interview) ay 17 samantalang ang pinakamababa para pumasa ay 14 puntos).
OVERALL TOTAL POINTS 45 35
Yaon lamang mga ALS Learners na nakakuha ng pangkalahatang iskor na 35 points o mas mataas pa AT nakuha ang pinakamababang iskor na 14 puntos ( 10 puntos sa Proficiency Test at 4 puntos sa Interview) ang ituturing na pumasa sa Presentation Portfolio Assessment at pagkakalooban ng Katunayan sa Pagtatapos sa programa ng ALS.
Sanggunian: DepEd Memorandum No. 22, series 2023 dated April 19, 2023