KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON
(Source: Bureau of Alternative Learning System (BALS)
Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. dinayal mo ang numerong nais mong tawagan. Nag-ring at
naramdaman mong iniangat na ang awditibo sa kabilang dulo, subali’t walang
nagsasalita. Ano ang sasabihin mo sa tao sa kabilang linya?
A. Hello! Sino ka?
B. Hello! Saan po ito?
C. Hello! Nariyan ba si G. Rivero?
D. Hello! Magandang umaga po! Tahanan po ba ito ni G. Rivero?
Para sa mga bilang 2-5, piliin ang pinakaangkop na salita para sa
puwang ng mga sumusunod na pangungusap.
2. Ang panukala ay di agad-agad maaaprubahan. Isang debate ng mga
kasapi ang magaganap _____ ito pagbobotohan.
A. ng
B. bago
C. sana
D. sakali
3. Marami ang nagnais na magwagi sa paligsahan _____isa lamang ang
pinalad.
A. kaya
B. dahil
C. subalit
D. marahil
4. _______ Martha, Elisa, at Nena ay ilan lamang sa mga naihalal na
pinuno ng Sangguniang Kabataan sa kanilang nayon.
A. Si
B. Sila
C. Kayo
D. Sina
5. Makatutulong ang ____ ng mga puno bilang tugon sa unti-unting
pagkasira ng ating kagubatan.
A. itanim
B. pagtatanim
C. pagtanim
D. magtanim
Para sa mga bilang 6 at 7, piliin ang KASINGKAHULUGAN ng salita o mga
salitang nasa MALAKING TITIK.
6. Kung susuriin, maraming NAPAPARIWARA ngayon bunga ng masamang epekto
ng ipinagbabawal na gamot.
A. nasisisyahan
B. nahihikayat
C. natatamaan
D. napapasama
7. Si Donya Rosa ay isang taong MALAMBOT ANG PUSO lalung-lalo na sa mga
mahihirap.
A. mahinhin
B. maawain
C. matakutin
D. masayahin
8. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng mga anak?
A. Magkaroon ng tagagawa ng takdang-aralin
B. Magkaroon ng yaya na siyang gagawa ng mga gawaing-bahay
C. Magkaroon ng sapat na edukasyon at matiwasay na pamumuhay
D. Magtakda ng tuntuning susundin ng bawat miyembro ng pamilya
9. Anong mabuting ugali ang makukuha sa patalastas na ito:
“Hating-kapatid ang bilin ni Inay, hatiin ang mamon pati ang monay,
ensaymada ay dapat pantay-pantay, laging isipin ang mahal sa buhay” ?
A. Pagtitipid
B. Pagbibigayan
C. Pagkakaisa
D. Pagtutulungan
10. Nakasaad sa reseta ng doktor na dalawang tableta tuwing apat na
oras ang dapat inumin ng pasyente. Kung ika-10 ng umaga uminom, anong oras siya
dapat uminom muli?
A. 12:00 pm
B. 2:00 pm
C. 4:00 pm
D. 6:00 pm
11. Ang mababang antas ng temperatura sa isang lugar ay
nangangahulugang
A. mainit
B. maulan
C. malamig
D. maaliwalas
Basahin ang sumusunod na artiulo at sagutin ang mga tanong bilang 12 –
14.
Ang
Pagtaas ng Presyo ng Bilihin
Ang mga mapagmasid sa takbo ng buhay sa lipunan ay
hindi makakaligtaang damahin ang tunay na mga pangyayari kaugnay sa pagkalugmok
ng bayan sa bigat ng presyo ng mga pagkain at kagamitan. Halimbawa na lamang,
ang dating presyo ng tinapay, gaya ng pandesal, noong Disyembre lamang ay 0.50
sentimo ang isa, ngayon ay P1.00 na.
BUMIBILI: Bakit po tumaas ang presyo ng pnadesal gayong lumiit ito
kaysa dati?
TINDERA: Mahal na ang harina at iba pang sangkap kaya nagtaas din ang
halaga ng pandesal.
Sa palengke naman ay P45.00 na ang isang kilong
kamatis o P4.00 ang bawat piraso. Bumaba na ang presyo ng langis (gasolina at
diesel) pero tumaas naman ang singil sa kuryente at tubig. Ang suweldo naman ng
mga manggagawa ay hindi nadaragdagan.
Pati ang bayad sa sine ay tumaas din. Tuwing
magkakaroon ng “film festival”, dinaragdagan ang singil sa takilya.
Ang panuntunan ng kaunlaran ay ang kanuhayan ng mga
pangkaraniwang mamamayan na siyang iginugupo ng mataas na presyo ng mga
bilihin.
12. Nadaragdagan ang singil sa takilya tuwing
A. Pasko
B. Bagong Taon
C. halalan
D. film festival
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo batay sa artikulo?
A. ANg bayad sa sine ay hindi nagbago.
B. Tumaas ang singil sa kuryente at tubig.
C. Tumaas ang presyo ng tinapay lalo na ng pandesa.
D. Nagtaasan din ang presyo ng mga bilihin sa palengke.
14. Ayon sa talata, saan nakalugmok ang bayan sa ngayon?
A. Kawalan ng katarungang panlpunan sa bansa
B. Kakulangan ng hanapbuhay ng marami sa ating mga kababayan
C. Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan ng
mga mamamayan
D. Unti-unting paglaki ng populasyon na
nakakaapekto sa takbo ng ekonomiya ng bansa
Basahin ang sumusunod na patalastas at sagutin ang mga tanong bilang 15
– 17.
Visa Requirements
Para
sa mga nagnanais na makapunta sa bansang Japan, libre ang application form.
Walang bayad para sa mga may Immigration Status na kulang sa 90 araw subalit
ang may mahigit sa 90 araw ay sisingilin ng Php720 maliban sa mga diplomatiko
at mga opisyal.
Tinatanggap
ang mga aplikasyon tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban kung Miyerkules at
mga pista opisyal.
Iniisyu
ang visa alinsunod sa layunin ng pagbisita na nahahati sa pitong kategorya:
diplomatic visa, official visa, transit visa, short-term visa, general visa,
working visa, at specified visa. Ang mga nabanggit na visa ay ayon sa 28
Immigration Status na ibinibigay ng Immigration Control and Refugee Recognition
Act.
Bilang
patakaran, kailangang personal na magpunta ang mga aplikante sa tanggapan. Para
sa kaginhawan ng mga aplikante, inianunsyo ng Emabahada ng Japan na maaaring
mag-aplay ng visa sa pamamagitan ng proxy.
Ang
Emabahada ng Japan ay matatagpuan sa 2627 Roxas Boulevard, Pasay City. Maaari
ring tumawag sa telepono bilang 551-5710.
15. Ang patalstas ay tungkol sa aplikasyon sa
pagkuha ng
A. visa
B. sedula
C. lisensya
D. police clearance
16. Ayon sa patalastas, ang aplikasyon ay HINDI
tinatanggap tuwing
A. Lunes
B. MArtes
C. Biyernes
D. Miyerkules
17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI
totoo?
A. Ang Embahada ng Japan ay matatagpuan sa lungsod
ng Makati
B. Libre ang application form sa mga nagnanais na
makapunta ng Japan
C. Kinakailangang persona na magsadya ang aplikante
sa tanggapan bagaman pinapayagan ang pagkuha ng mga kinatawan.
D. May karampatang bayad na
Php720 para sa maga may Immigration Status na mahigit sa 90 araw.
I. Nagmamahal,
Vangie
II. Mahal
kong Melba,
III. Nagagalak
akong malaman na ikaw ang nanalo sa Kid Listo Contest noong Miyerkules.
Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya alam ko na hindi sila ngakamali sa
kanilang naging desisyon. Sana ay magkamit ka pa ng maraming tagumpay sa
darating na panahon. Binabati kita!
IV. 97
Jubilee Street
Los
Banos, Laguna
January
5, 2004
18. Ang mga nakatala sa itaas ay mga bahagi ng
isang liham. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito?
A. I, II, III, IV
B. IV, III, II, I
C. II, I, III, IV
D. IV, II, III, I
Rita Marquez
# 72 Ibarra Street
Sampaloc, Manila
Melvin
Talento
#14
Private Road, Magsaysay Avenue
Baguio
City
|
|
19. Sumulat si Rita sa kaniyang penpal sa Baguio.
Alin sa mga sumusunod ang nakaligtaan niyang isulat sa sobre ng kaniyang liham?
A. Zip Code
B. Telephone number
C. Pangalan ng kaniyang sinusulatan
D. Rehiyon kung saan matatagpuan
ang Baguio City
|
|
PATALASTAS
Ano: Inter-Barangay Basketball
Tournament
Saan: Brgy. Alicia Gymnasium
Sino: _______________________
Kailan: February
25, 2004, Ika-8 ng umaga
|
|
20. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring isama sa puwang sa patalastas na makikita sa itaas?
A. Tuwing araw ng Sabado
B. Ika-8 hanggang ika-10 ng umaga
C. Mga kabataang may gulang 13-18
D. Makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng barangay