Showing posts with label Practice Test - Learning Strand 4 – Life and Career Skills. Show all posts
Showing posts with label Practice Test - Learning Strand 4 – Life and Career Skills. Show all posts

Saturday, February 3, 2018

Practice Test - Learning Strand 4 – Life and Career Skills

Learning Strand 4 – Life and Career Skills

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.



1. Ang pangunahing layunin ng liham ng pag-aaplay ng trabaho ay
          A. Pukawin ang interes ng bumabasa nito
          B. Ipagmalaki ang iyong kakayahan at kasanayan
          C. Ipaalam ang iyong personal na buhay
          D. Ipabatid kung sinu-sino ang maaaring pagtanungan ng iyong pagkatao

2. Malakas ang benta ng sorbetes ni Mang Castor sa tapat ng paaralan. Isang araw, napansin niyang pumuwesto rin doon si Mang Kanor na nagtitinda rin ng ice cream. Ano ang mabuting gawin ni Mang Castor upang mapanatili ang mga namimili sa kanya?

          A. Pagbutihin pang lalo ang kalidad ng paninda.
          B. Ibaba ang presyo ng paninda.
          C. Isumbong sa prinsipal si Mang Kanor.
          D. Dagdagan ang ice cream na ibinebenta.

3. Sa pagbubukas ng bagong negosyo, ano ang unang-unang isinasaalang-alang?
         
          A. Ang pangangailangan ng mga mamimili
          B. Ang tutubuin
          C. Sapat na kapital
          D. Rekititos ng pamahalaan

4. Sa pagtatayo ng negosyo, anong dokumento ang dapat unahing kunin?
         
          A. Pangalan ng negosyo mula sa DTI
          B. Barangay Clearance
          C. Sedula
          D. Mayor’s Permit

5. Ano ang hindi nararapat banggitin sa isang panayam?

          A. Ang ugali ng dating amo
          B. Ang hinihinging suweldo
          C. Ang kahinaan sa trabaho
          D. Ang kalakasan sa trabaho

6. Isang uri ng pangangalakal na kadalasan ay binubuo lamang ng isang miyembro.
          A. Sole proprietorship
          B. Partnership
          C. Cooperative
          D. Corporation

7. Isang dahilan na maaaring patalsikin ang isang empleyado

          A. Panloloko sa kumpanya
          B. Pag-oorganisa ng isang unyon
          C. Pakikipag-away sa isang katrabaho
          D. Pagliban ng walang pahintulot

8. Nakatanggap ng tawag sa telepono si Angelo mula sa pinag-aplayang kumpanya. Kailangan niyang magtungo roon para sa isang panayam (interview). Anong paghahanda ang hindi dapat gawin ni Angelo?

          A. Tawagan ang ninong na may katungkulan sa kumpanyang inaplayan upang humingi ng tulong
          B. Basahin at kabisahing muli ang kanyang resume o biodata
          C. Praktisin ang mga sagot na maaaring itanong sa panayam
          D. Matulog nang maaga at ihanda ang angkop na kasuotan

9. Ilang porsyento ang idinadagdag na Value Added Tax (VAT) sa ilang produkto at serbisyo sa Pilipinas?

          A. 12%
          B. 10%
          C. 15%
          D. 5%

10. Kumain si Mang Berting sa karinderya ni Aling Lucing. P250.00 ang halaga ng kanyang tinanghalian kasama na ang VAT.  Bago nagbayad, ipinakita niya ang kanyang Senior Citizen ID kay ALing Lucing. Magkano ang magiging sukli sa P300 na ibinayad ni Mang Berting?

          A. P75
          B. P50
          C. P20
          D. P80

11. Nagtanim pa ng mga kawayan si Mang Baste upang tugunan ang pangngailangan ng mga nagpaparami ng talaba sa kanilang lugar. Ano ang dagling resulta nito?

          A. Mangangaunti ang mga kawayan
B. Darami ang produksyon ng talaba
          C. Bababa ang presyo ng kawayan
          D. Tataas ang presyo ng talaba

12. Ipinatawag ng may-ari ng talyer si Mang Gusting at sinabi sa kanya na siya ay wala ng trabaho kinabukasan. Ano ang nararapat niyang gawin?

A. Magmakaawa sa may-ari dahil marami siyang anak
          B. Ireklamo ang kumpanya sa DOLE
          C. Tanggapin ang kapalaran at kunin ang huling sahod
          D. Humanap ng bagong trabaho

13. Kung ang itatayong negosyo ay nag-iisang pagmamay-ari, alin sa mga sumusunod ang hindi masyadong isinasaalang-alang?

          A. Lokasyon ng bubuksang negosyo
          B. Sahod ng may-ari
          C. Kapital
          D. Produktong ibebenta

14. Napansin ni Aling Clara na maraming punong-niyog sa bago nilang nilipatang lugar. Anong negosyo ang hindi nababagay rito?

          A. Paggawa ng coco jam
          B. Pagbebenta ng coco lumber
          C. Pagkocopra
          D. Paggawa ng bukayo

15. Nadiskubre ni Bitoy na may ginagawang pagnanakaw ang kanyang foreman sa kanilang kumpanya. Kanino niya dapat idulog ang natuklasan?

          A. Sa may-ari ng kumpanya
          B. Sa boss ng foreman
          C. Sa mga pulis
          D. Sa kaniyang kasamahan

16. Maaari bang tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa kung ito ay may-sakit?

A. Oo, kung ang sakit ay nakakahawa.
          B. Oo, kung ang sakit ay wala ng lunas pagkalipas ng anim na buwan.
          C. Oo, kung ang sakit ay hindi naman sanhi ng kapaligiran ng kumpanya.
          D. Hindi.

17. Ito ay isang uri ng samahan o negosyo kung saan ang mga miyembro ay boluntaryong sumapi, naglagak ng pondo at tumangkilik ng produkto o serbisyo para sa ikabubuti ng lahat.
         
          A. Korporasyon
          B. Kooperatiba
          C. Sosyohan
          D. Isang pagmamay-ari

18. Ano sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang korporasyon?

A. Kailangang irehistro sa Security and Exchange Commission
          B. Kailangang magbigay ng share o cash dividend taun-taon
          C. Ang isang kasapi ay binibigyan ng sipi/share katumbas ng kanyang pondo
          D. Kadalasang binubuo ng Board of Directors

19. Ang mga sumusunod ay benebisyo ng isang manggagawang Filipino sa isang kumpanya maliban sa isa.

          A. SSS
          B. Bonus
          C. Philhealth
          D. Pag-ibig

20. Isa sa mga aplikanteng nakatakdang kapanayamin ni Mrs. Cruz ay ang kanyang pamangkin. Ano ang nararapat niyang gawin?

A. Huwag nang kapanayamin ang pamangkin at sabihing tanggap na ito.
          B. Ipasa sa ibang kawani ang mga dokumento ng pamangkin upang kapanayamin ito.
          C. Interbyuhin at tanggapin sa kumpanya ang pamangkin.
          D. Pagsabihan ang pamangkin na sa iba na mag-aplay.
          21. Ito ay isang uri ng negosyo kung saan may takda o taning ang pagiging negosyo nito.

          A. Kooperatiba
          B. Solong pagmamay-ari
C. Korporasyon
          D. Sosyohan

22. Nagiging “legal o judicial entity” (hudisyal nd entidad) ang isang sosyohan kung ...

          A. ito ay nakarehistro na sa Security and Exchange Commission.
          B. ito ay nagsimula na sa kanilang negosyo.
C. ang mga magkakasosyo ay pumirma na sa isang kontrata o Articles of Partnership
          D. ito ay nakarehistro na sa Department of Trade & Industry

23. Nalalapit na ang Mahal na Araw. Anong senaryo ang maaaring mangyari sa isang palengke?

A. Tataas ang presyo ng karne
          B. Mababawasan ang mamimili ng mga gulay
          C. Tataas ang presyo ng mga isda at lamang-dagat
          D. Walang pagbabago sa galaw ng presyo ng anumang bilihin

24. Ang isang manggagawa sa pamahalaan ay kailangang iparehistro ng kanyang kumpanya sa _______.

          A. NBI
          B. SSS
          C. GSIS
          D. DTI

25. Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan ay maraming palaisdaan ang lumubog sa baha. Ano sa mga sumusunod ang hindi maaaring maganap?

          A. Tataas ang presyo ng mga gulay
          B. Tataas ang presyo ng bangus at tilapia
          C. Bababa ang presyo ng bangus at tilapia
          D. Walang pagbabago sa presyo ng mga bilihin

26. Gaano katagal ang buhay ng isang sosyohan?

          A. 10 taon
          B. 50 taon
          C. Walang takda
          D. 25 taon

27. Dikit-dikit na ang mga sari-sari store sa barangay nina Nancy. Kapag pumasok siya sa negosyong ito, anong bagay ang dapat niyang gawin upang kumita?

          A. Buksan ang tindahan ng 24/7
          B. Magpautang upang dumami ang suki
          C. Bumili ng maramihan upang maibaba ang presyo
          D. Ibaba ang presyo ng mga paninda upang makaakit ng kustomer

28. Anong bahagi ng liham sa pag-aaplay ang kinapapalooban ng mga salitang “Lubos ng Gumagalang”?

          A. Paggalang
          B. Pamuhatan
          C. Bating pangwakas
          D. Bating panimula

29. Kapos sa kakayahan at kasanayan si Natoy. Ano ang mainam na paraan upang siya ay matanggap sa trabaho?

          A. Lumapit sa DSWD
          B. Tanggapin ang mababang pasuweldo
          C. Pagparehistro sa isang sangay o kaagapay ng TESDA
          D. Magpatulong sa punong-lungsod

30. Ano sa mga sumusunod ang hindi kasama sa grupo?

          A. Pagmemekaniko
          B. Pagmamasahe
          C. Pagtitinda ng mga lutong-ulam
          D. Paggawa ng mga sirang kagamitan sa bahay

31. Pansamantalang nahinto sa trabaho si Auring dahil sa panganganak. Anong negosyo ang pwede sa kanya?
          A. Paglalako ng mga kakanin
          B. Pagtitinda sa palengke
          C. Pagtitinda ng seguro, bahay at lupa
          D. Pagtitinda ng yelo at ice candy

32. Nagtapos ng beterinaryo si Manuel. Anong trabaho ang hindi bagay sa kanya?
         
          A. Meat inspector
          B. Manggamot ng mga hayop
          C. Mangasiwa ng isang babuyan o manukan
          D. Mangasiwa ng isang farm

33. Ito ang ahensiyang nangangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa.

          A. SEC
          B. DTI
          C. SSS
          D. DOLE

34. Kapag ang isang manggagawa ay lumampas sa walong oras na pagtatrabaho, nararapat lamang na bigyan siya ng ______.

          A. Pahinga
          B. Separation pay
          C. Bonus
          D. Overtime pay

35. Kailan maaaring tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa?

          A. Pagsali sa unyon
          B. Madalas na pagkakasakit
          C. Paghingi ng dagdag sa sahod
          D. Pagsasara ng kumpanya

36. Maraming punong saging sa lugar nina Quiel. Anong produkto ang hindi mainam dito?

          A. Ketsup
          B. Banana chips
          C. Banana leaves
          D. Banana boat

37. Magaling maglinis at bumuo ng mga piyesa si Amado. Anong trabaho ang bagay sa kanya?

          A. Mason
          B. Technician         
C. Anluwagi
D. Mekaniko

38. Ilan ang pinakamaraming kasapi na bubuo sa isang korporasyon?

          A. 20
          B. 5
          C. 10
          D. 15

39. Makalumang kalakalan na hindi ginagamitan ng salapi

          A. Libreng pamilihan
          B. Pautangan
          C. Tiwalaan
          D. Barter

40. Hindi tumupad sa Collective Bargaining Agreement ang pamunuan ng ABC Corporation. Ano ang unang dapat gawin ng mga opisyat at kasapi ng union?

          A. Bagalan ang pagtatrabaho
          B. Mag-strike
          C. Sumangguni sa DOLE
          D. Makipag-usap sa pamunuan ng kumpanya

41. Ang presyo ng isang produkto ay kalimitang nakabase sa ____.

          A. Kalidad ng produkto
          B. Dami ng bumibili rito
          C. Ginastos sa produkto
          D. Lahat ng nasa itaas

42. Magandang katangian ng isang manggagawa maliban sa ______.
          A. Maaasahan
          B. Nakahandang matuto
          C. Marunong makibagay
          D. Hindi nagtatanong

43. Alin sa mga sumusunod sa hindi magandang katangian ng pansariling negosyo?

          A. Maliit na kapital
          B. Walang amo
          C. Walang takdang oras ng trabaho
          D. Walang siguradong kita

44. Alin sa mga sumusunod ang hindi tutoo?

          A. Ang pagtaas ng sahod ay pagtaas din ng gastusin.
          B. Ang pagdami ng mga produkto ay pagbaba ng presyo nito.
          C. Ang pagtaas ng halaga ng piso ay pagbaba naman ng eksportasyon.
          D. Ang pagtaas ng sahod ay pagtaas din ng pag-iimpok.

45. Isang uri ng preserbasyon na gamit sa paggawa ng suka.

          A. Aciditation
          B. Vinegarization
          C. Pasteurization
          D. Fermentation

46. Mga katangian ng kontrata maliban sa ______.

          A. Naglalaman ng konsiderasyon, serbisyo, kapital o produkto
          B. Nakasulat sa papel
          C. Usapan lamang
          D. Walang takdang panahon

47. Hindi ito isang daluyan ng palitan (medium of exchange) na maaaring gamitin sa negosyo.

          A. Salapi
          B. Promissory note
          C. Demand deposit
          D. Credit card
48. Mas mataas ang pinakamababang sahod sa Kamaynilaan kaysa sa ibang lugar sa Pilipinas dahil_____.

          A. Mahuhusay ang mga manggagawa rito
          B. Matataas ang pinag-aralan ng mga manggagawa rito
          C. Mas maraming produkto ang kanilang nagagawa
          D. Mas mataas ang gastos ng pamumuhay rito

49. Hawak lamang ng iilan ang kalakalan o negosyo

          A. Sosyohan
          B. Komunismo
          C. Sosyalismo
          D. Monopolyo

50. Ang pinakamababang sahurin ng isang kasambahay sa Kalakhang Maynila ay _____.

          A. P 2,000
          B. P 2,500
          C. P 3,000
          D. P 3,500

Good Luck!


020218-10A20B30C4050D – ISD 3R06F30AB