Showing posts with label ALS Learning Competencies: LS 1 - Communication Arts - FILIPINO - JHS. Show all posts
Showing posts with label ALS Learning Competencies: LS 1 - Communication Arts - FILIPINO - JHS. Show all posts

Tuesday, February 1, 2022

ALS Learning Competencies: Learning Strand 1 - Communication Arts - FILIPINO - JHS

Here is the list of topics to be studied in Filipino to pass the A&E Test with examples and answers:


1. Nagagamit ang magagalang na pananalita.

Halimbawa:

1. Nais mong pumasok sa isang tanggapan subali’t nag-uusap sa harap ng pinto ang dalawang tao. Ano ang sasabihin mo sa kanila?

A. Tumabi-tabi nga kayo!
B. Bakit po kayo rito nag-uusap?
C. Makikiraan po.
D. Nakaiistorbo po kayo sa mga papasok

2. Natutukoy ang gamit ng iba't ibang bantas.

Halimbawa:

2. Aling pangungusap ang may tamang bantas?

A. Tatlo ang paborito niyang bulaklak -  rosas, orkidya at sampaguita.
B. Tatlo ang paborito niyang bulaklak:  rosas, orkidya at sampaguita.
C. Tatlo ang paborito niyang bulaklak -  (rosas, orkidya at sampaguita).
D. Tatlo ang paborito niyang bulaklak:  rosas, orkidya, at sampaguita.

3. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat.

Halimbawa:

3. Bukod-tangi ang angkin niyang ganda.

Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?

A. Walang kaparis
B.  Pangkaraniwan
C. Nag-iisa
D. Di-karaniwan

4. Nabibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan.

Halimbawa:

4. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang magkasingkahulugan?

A. aba - musmos
B.  balakid - hadlang
C. mayabong - malawak
D. maagap - masipag

5. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan. (Items 5 and 6)

Halimbawa:

Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ibig niyang magkaroon ng reyna. Marami nang dalaga ang kanyang pinaghandugan ng mga mahal at magagandang hiyas, ngunit isa man ay walang mahikayat na tumira sa kanyang kaharian. (Halaw sa “Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas”; https://proudpinoy.ph)


5. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan kay Pluto?

A. Siya ay isang hari.
B. Siya ay ubod ng yaman.
C. Siya ay ubod ng sama.
D. Siya ay malungkot.

6. Ano ang nais ni Pluto?

A. Magkaroon ng maraming hiyas.
B. Magkaroon ng isang reyna.
C. Magkaroon ng kaharian sa ibabaw ng lupa.
D. Maging makisig na hari.

6. Nababaybay nang wasto ang salitang hiram / natutunan sa aralin.

Halimbawa:

7. Alin ang tamang baybay ng “eleccion” sa Filipino?

A. eleksiyon
B.  eleksyon
C. elekseyon
D. eliksyon

7. Nakasusulat ng talatang: a) nagbabalita b) naglalarawan

8. Naisusulat ang isang sanaysay na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

9. Nagagamit ang tamang salitang kilos / pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan.

10. Nabibigyang-kahulugan ang salitang hiram.

Halimbawa:

8. Ang lapis at papel ay mga halimbawa ng anong salita sa Ingles?

A. stationary
B.  stetionery
C. stationery
D. stetionary

--o0o--

MGA SAGOT: