Sang-ayon sa Department Order No. 23 na inilabas ng
Department of Education (DepEd), nakatakdang ganapin ang Alternative Learning
System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) test sa January 22, 2017
para sa Luzon at sa January 29,2017 naman para sa Visayas at Mindanao.
Antabayanan na lang po natin kung ang iskedyul na ito ay
magbabago pa o hindi dahil nabago na po ang Kalihim ng Edukasyon.
Sa ngayon ay pagbutihin po natin ang pag-aaral at
pagrerepaso ng mga aralin para pumasa sa pagsusulit. Magsanay nang magsanay
habang malayo pa ang pagsusulit. Sikapin ding sumulat nang mabilis para sa
pagsulat ng sanaysay (essay writing) dahil 30 minuto lang yata ang ibinibigay
rito.