Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May ordinansa ang inyong barangay na hanggang alas-10
lamang ng gabi maaaring magkaraoke. Alas onse na ng gabi pero panay pa rin ang birit
sa inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
a. Huwag na lamang pansinin ang ingay.
b. Puntahan ang kapitbahay at ipaalala
ang ordinansa.
c. Tawagan ang mga pulis ang
ipagbigay-alam ang paglabag.
d. Batuhin ang bubong ng kapitbahay.
2. Kailangan
mong magrepaso ng aralin ngayong gabi subali’t alam mo rin ang masamang epekto
ng pagpupuyat. Ano ang mainam mong gawin?
a. Matulog nang maaga at gumising nang
maaga para magrepaso.
b. Magrepaso hanggang antukin.
c. Huwag nang magrepaso at mangopya na
lamang sa katabi.
d. Gumawa na lamang ng excuse letter
para sa iksamin.
3. Pangarap
ni Garry na maging siruhano. Anong kurso ang kanyang dapat kunin sa kolehiyo?
a. Abogasya
b. Komersiyo
c. Pagtuturo
d. Medisina
4. Nabalitaan
mong nagbebenta ng droga ang iyong matalik na kaibigan.
a. Isumbong siya sa kanyang mga
magulang.
b. Kausapin siya nang malaman ang
tutoo at payuhan.
c. Isumbong siya sa mga pulis.
d. Huwag na siyang kaibiganin.
5.
Nararamdaman mong nanghihina unti-unti ang iyong kalusugan.
a. Kumunsulta sa isang mangagamot.
b. Kumunsulta sa isang espesyalista sa
pagkain.
c. Kumunsulta sa isang espesyalista sa
paghehersisyo.
d. Kumunsulta sa isang albularyo.
6. Inilunsad
sa inyong barangay ang pagtatanim ng gulay sa bakuran.
a. Lumipat sa kabilang barangay para
hindi mapagod magtanim.
b. Makiisa at magtanim ng gulay.
c. Ipangwalang-bahala ang kampanya ng
kapitan ng barangay.
d. Ireklamo ang kampanya ng kapitan ng
barangay sa munisipyo.
7. Nakita
mong nangunguha ng mga prutas ang kaibigang si Patring sa lupain ng inyong
kaibigan na si Juana.
a. Pagsabihan si Juana na humingi muna ng pahintulot kay Patring.
b. Isumbong si Juana kay Patring.
c. Makigaya kay Juana at manguha rin
ng mga prutas.
d. Imungkahi kay Juana na dalhan ng
mga prutas na kinuha si Patring.
8. Napansin
mong humahalo ang dumi ng alagang baboy ng inyong kabarangay sa sapang
pinanggagalingan ng inuming tubig.
a. Ireport sa munisipyo ang
natuklasan.
b. Ireport sa kapitolyo ang
natuklasan.
c. Ireport sa barangay ang natuklasan.
d. Ireport sa Kagawaran ng Kapaligiran
at Likas na Yaman ang natuklasan.
9. Nabasa mo
ang paskel na ito sa bakod: “ Huwag umihi rito. Mapanghi na po!”
a. Huwag umihi sa lugar.
b. Bakbakin ang paskel.
c. Huwag pansinin ang babala.
d. Mangiti sa paskel.
10.
Punong-hurado ka sa isang paligsahan sa pagsayaw ng mga kabataan sa inyong
lugar. Isa sa mga kasali ang iyong inaanak.
a. Bigyan siya ng pinakamababang score.
b. Bigyan siya ng pinakamataas ng
score.
c. Huwag siyang bigyan ng score.
d. Bigyan siya ng score ayon sa
kanyang kakayahan.
Tunghayan ang mga sagot dito...