Learning Strand I – Communication Skills: FILIPINO
Para sa
bilang 1 – 3, piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit.
1.
Madalas na magkasama sina Adela at Adelfa. Sila ay malimit mamasyal, kumain sa
labas at maghuntahan. Dahil dito, sila ay itinuturing na magkaututang-dila.
A. magkakambal B. mga tsismosa C. matalik na magkaibigan
D. mga sinungaling
2. Si
Manolo ay tampulan ng tukso. Hindi siya pumapatol sa anumang away.
Nagpapasensya siya kahit mapagsabihang bahag ang buntot dahil naranasan
na niyang maging isang bilanggo dahil lamang sa isang pambubuska.
A. sintu-sinto B. duwag C. asal-aso D. marungis
A. sintu-sinto B. duwag C. asal-aso D. marungis
3. Si
Tekla ay sikat sa Barangay Bagong-Ligo dahil siya ay masayahing tao.
Gayunpaman, may ilan din ang naiinis sa kanya dahil mahilig siyang maglubid
ng buhangin.
A.
sinungaling B.
hindi-mapagkakatiwalaan C.
doble-kara D. mainggitin
4. Nang dumating
si Anna, malugod siyang sinalubong ng nakangiting si Phoebe.
Ano ang pang-abay sa pangungusap?
A.
malugod B. siya C. nakangiti D. sinalubong
5. Si Gat
Jose Rizal ang itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas. Ayon sa kanya,
ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Anong bahagi ng pangungusap ang “pambansa”?
A.
pang-uri B. pangatnig C. pang-ukol D.
pang-abay
6. Si
Antonio ay masipag na mag-aaral. Masunuring bata naman si Arman. Sila ay mga
anak nina Aling Anita at Mang Kardo. Ano ang pangtukoy sa pangungusap?
A. naman B. nina C. at D.
sila
7.
Masayang nagkukuwentuhan sina Rebecca at Clara nang biglang dumating si Marissa
at nakipagkuwentuhan na rin. Maya-maya pa ay sumulpot si Ricardo at matamang
nakinig sa kanilang pag-uusap. Kanino patungkol ang salitang “kanila”?
A. Rebecca at Clara B. Rebecca at Marissa C. Rebecca, Clara at Marissa
D. Rebecca, Clara, Marissa, at
Ricardo.
8. Kung ang ningas-kugon ay
panandalian lamang, ang bulang-gugo naman ay ____.
A. mainipin B. galante C. kuripot D. pakitang-tao
9. Kung ang simboryo ay kalimitang
nakikita sa isang simbahan o kampanaryo, saan naman nakikita ang isang palupo?
A. gusali B. bahay C. parola D. monumento
10. Ang ngiting-aso ay nangangahulugan
ng nakakaloko, ano naman ang kahulugan ng luhang-buwaya?
A. pakunwari B. matiim C. matapat D.
masagana
Para sa bilang 11 – 15. Basahin
ang paskel na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol dito.
11. Ang nakapaskel sa itaas ay isang halimbawa ng
______.
A. babala B. propaganda C.
anunsyo D. balita
12. Ang impormasyong nakapaloob sa
itaas ay nauukol sa mga _______.
A. guro B. mag-aaral C.
magulang D. tagalinis ng
paaralan
13. Dahil sa pagpupulong, ang
klase ay magtatapos ng __________ kaysa sa dati.
A. mas huli B. pareho lamang C.
mas maaga D. mas matagal
14. Ang nakapaskel na kalatas ay
nagmula sa ____________.
A. mga guro B. mga magulang C. konseho ng mag-aaral D. pamunuan ng paaralan
15. Ang layunin ng paskel ay
magbigay ng _________.
A. babala B. kaalaman C.
kasiyahan D. paalala
Para sa bilang 16 – 17, pag-aralan
ang paskel sa ibaba at sagutin ang mga tanong.
16. Ano ang gagawin nang
makakabasa ng paskel sa itaas?
A. Magmumulta ng sampung libo.
B. Maninigarilyo sa lugar.
C. Pagbabawalan ang iba na huwag
manigarilyo.
D. Hindi maninigarilyo sa lugar.
17. Ano ang layunin ng paskel?
A. Magbigay ng impormasyon.
B. Magbigay ng babala.
C. Magbigay ng direksyon.
D. Magbigay ng kasiyahan.
Para sa bilang 18 – 19, basahin
ang unang dalawang saknong ng tula ni Kiko Manalo at sagutin ang mga tanong.
PASASALAMAT
ni: Kiko Manalo
Salamat, Ama ko, sa mga nagdaan!
Pinagtibay akong tila sa kawayan,
Alin mang unos at bagyong nakalaan,
Ako’y lumiwanag, walang kadiliman!
Patawad naman po, O, Dakilang Bathala,
Sa imbay ng aking pagiging masama,
Aking karupukan, sa tukso’y mahina,
Pinagsisisihan aking naging sala!
18. Anong linya ng tula ang isang
halimbawa ng simili o pagtutulad?
A. Patawad naman po, O, Dakilang
Bathala,
B. Ako’y lumiwanag, walang
kadiliman!
C. Pinagtibay akong tila sa
kawayan,
D. Sa imbay ng aking pagiging
masama,
19. Ano ang unang layunin ng tumula?
A. Humingi ng tawad sa Bathala.
B. Magpasalamat sa Ama.
C. Magputol ng kawayan.
D. Pagsisihan ang kasalanan.
20. Ang bungang-araw ay sakit sa
balat. Ano naman ang bungang-tulog?
A. bangungot B. puyat C. panaginip D. antok
21. Laging bida si Cris sa mga
umpukan kahit mahilig siyang magbuhat ng bangko. Ano ang kahulugan ng
pangungusap?
A. Si Cris ay nagtatrabaho bilang
tagabuhat ng bangko.
B. Si Cris ay matulungin dahil
lagi siyang nagbubuhat ng bangko.
C. Si Cris ay laging pinupuri ang
kanyang sarili at kapamilya.
D. Si Cris ay napagbibintangang
nangunguha ng bangko.
Para sa bilang 21 – 23, basahin
ang talata at sagutin ang mga tanong
Ang mga guro ay tulad din ng mga
karaniwang tao na nakagagawa ng mga kamalian gustuhin man nila o hindi.
Pinapasa nila ang ibang mag-aaral dahil sa pakiusap ng mga magulang kapalit ng
sariwang gulay o dumalagang manok. Hindi nila mahindian ang mga kamag-anakan
dahil nangingibabaw ang lapot ng dugo kaysa tubig. Sinusunod nila ang mga
namumuno sa kanila kahit taliwas ito sa kagandahang-asal huwag lamang mawalan
ng trabaho. Ito ay pananaw ko lamang at hindi nilalahat ang mga guro.
21. Ano
ang bagay na pamagat para sa tekstong ito?
A. Mas Malapot ang Dugo kaysa
Tubig
B. Hindi Perpekto ang mga Guro
C. Masarap ang Dumalagang Manok
D. Para Huwag Mawalan ng Trabaho
22. Ano ang ibig sabihin ng “nangingibabaw ang lapot ng dugo kaysa tubig”?
A. Mas mahalaga ang pamilya kaysa
iba pang relasyon
B. Mas matimbang ang dugo kaysa
tubig
C. Posibleng tumaas ang presyon ng
dugo
D. Mas mahalaga ang dugo kaysa tubig
23. Ano ang layunin ng talata?
A. Magbigay ng opinyon.
B. Magbigay ng kaalaman.
C. Manghikayat.
D. Manira.
Para sa tanong 24 – 26, basahin
ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong
Si Ferdinand
Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30
ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong
Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at
nag-aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nilitis siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933
at napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema
ng Pilipinas at napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.
24. Ang
teksto sa itaas ay naglalarawan ng ___________.
A.
kathang-isip
B.
katutohanan
C.
kababalaghan
D. alamat
25. Ilang
taon naging pangulo si Ferdinand E. Marcos?
A. 21 B. 20 C. 19 D. 22
26. Ang
kahulugan ng salitang “umapela” ay______?
A. naghain
ng kontra-demanda
B. humiling
na ipawalang-bisa ang kaso
C. lumagda
sa isang kasunduan
D. humiling
na babaan ang sentensya
27. Ang
“Tabi, tabi po nuno!” ay isang uri ng _________.
A. orasyon B. dasal C.
bulong D. paggalang
28. Ang “Biag
ni Lam-ang” ay isang halimbawa ng _______.
A. epiko B. kuwentong-bayan C. talambuhay D. alamat
29.
Tinatampok dito ang mga hayop at kinapapalooban ng mga aral sa buhay. Ano ito?
A. alamat B. pabula C.
parabula D. karton
30.
Nagtataglay ito ng isang opinyon, pananaliksik, kuro-kuro, obserbasyon o
pagmumuni-muni ng isang may-akda na nasusulat sa isang malinaw at lohikal na
komposisyon.
A. sariling
talambuhay B. karanasan C. sanaysay D. tula