Showing posts with label ALS A&E March 2018 Results. Show all posts
Showing posts with label ALS A&E March 2018 Results. Show all posts

Tuesday, June 5, 2018

INIS at GALIT na ang mga ALS A&E March 2018 test takers


Hindi lang inip kundi magkahalong inis at galit na ang nararamdaman ng maraming mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) na kumuha ng pagsusulit sa Accreditation & Equivalency (A&E) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong nakaraang Marso 2018. Ito ay sa kadahilanang hindi sila makapagpatala sa papasukang paaralan dahil wala silang maipakitang Certificate of Rating (COR). Dagdag pa rito ang kalituhang kung papasok ba sila sa Senior High School o sa pamantasan o kolehiyo dahil sa wala pang malinaw ng Memorandum ang DepEd.



Kahapon, Lunes, ika-4 ng Hunyo, 2018, nagsimula nang magsipasok ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan samantalang naghihintay pa rin ng resulta ang mga ALS A&E takers. Nararapat lamang na bigyan ng penalty ang grupong nag-tsek ng pagsusulit dahil hindi nila naibigay sa tamang oras ang resulta, maliban na lamang kung ito ay kagagawan ng DepEd. Sa susunod sana ay gawin ang pagsusulit sa petsang hindi gagahulin ang mga mag-aaral sa pag-eenrol at magbigay agad ng abiso tungkol sa mga katanungan ng mga ALS A&E takers.

Sa ngayon ay nganga pa rin ang mga mag-aaral at mga kumuha ng ALS A&E test dahil hindi nila alam kung tatanggapin pa sila sa mga paaralang nais nilang pasukan. Nawa’y lumabas na ang resulta ng A&E ngayong linggong ito nang makahabol pa rin sa palistahan ang mga mag-aaral ng ALS.