Showing posts with label Sample ALS A&E Reviewer. Show all posts
Showing posts with label Sample ALS A&E Reviewer. Show all posts

Friday, November 3, 2017

ALS A&E Reviewer: Development of Self and Sense of Community

Dahil sa nalalapit na ang pagsusulit, mag-ensayo tayong mabuti sa pagsagot ng mga reviewer kahit ito ay giya lamang.




Ang sumusunod ay sinipi sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook.

LEARNING STRAND 4 – Development of Self and A Sense of Community

1. Ang pagiging responsible at mapagkakatiwalaan ay nangangahulugan ng pagiging tapat, magalang at
maunawain sa kalagayan ng tao, marunong magtimpi, may sariling paninindigan at 
____________________.

a. pagiging makasarili
b. may paggalang sa sarili
c. hindi nagmamadali na tapusin ang kanyang gawain kahit na alam niyang may mga
naghihintay sa kanyang mga gawain
d. hindi ginagawa ang kanyang tungkulin, lalong-lalo na kung walang nakakakita

2. Ang mga taong responsible ay sumusunod sa mga batas trapiko kahit na walang pulis na nakabantay 
dahil
_________________.
a. ayaw nilang mahuli ng pulis o tagapamahala ng trapiko
b. takot sila sa maaring gawin sa kanila ng mga tagapamahala ng trapiko sakaling mahuli
c. mawawalan sila ng dangal kung mahuli sila ng pulis o tagapamahala ng trapiko
d. alam nila kung lalabagin ang mga batas-trapiko, magiging sagabal ito sa tuluyan at maayos na
daloy ng trapiko

3. Alin sa mga sumusunod ang kilala sa pag-gawa ng hagdang palayan o rice terraces?

a. Aeta b. T'boli c. Ifugao d. Mangyan

4. Ang Pagdiwata ay sayaw ng mga Tagbanua ng Palawan. Ginagawa ito para ipakita ang ang 
pasasalamat sa magandang ani at para humingi ng proteksiyon at pabor sa mga diyos.

a. tama b. siguro c. mali d. wala sa nabanggit

5. Kailangang ipakita mo ang iyong pag-alala at pag-galang sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtapos 
ng iyong mga nasimulang gawain kahit may mga iba ka pang personal na pagkakaabalahan at 
karamdaman sapagkat _______________

a. sinabihan ka ng iyong nanay o boss na gawin mo ito
b. gusto mong magyabang sa ibang tao
c. may mga taong umaasa sa iyong produkto, serbisyo at gawain
d. ang tatanggapin mong bayad ay malaki

6. Ang paggalang ay pagtanggap _______________________

a. sa ibang tao sa kabila ng kanilang kapansanan
b. lamang sa kanyang sarili
c. sa isang taong masama
d. sa mga taong gumagawa nang masama sa kapwa

7. Sinasabing ang pag-aasawa ay lehitimo o tunay dahil ________________________________

a. ito ay pinapayagan at pinagtibay ng batas
b. ang mga di-kasal o hiwalay na tao lamang ang maaaring magpakasal
c. ang mga taong nagpapakasal ay nagmamahalan
d. ito ay isang panghabang-buhay na pagsasama

8. Alin sa mga sumusunod na kasalan ang ipinagdiriwang ng isang hukom o alkalde?

a. Simbahang kasalan c. Kasalang Pantribo c. Kasalang sibil d. Kasalang Barangay

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa kontrata ng kasal ang hindi totoo?

a. Palaging nakasulat ang mga kontrata sa kasal
b. Ipinapaliwanag ng kontrata sa kasal ang mga karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t
isa
c. Kinikilala ng batas ang mga kontrata sa kasal.
d. Kinikilala ng simbahan ang mga kontrata sa kasal.

10. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang wasto sa kinakailangang gulang o taon sa pag-aasawa sa ilalim ng batas-sibil ?

a. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o mababa
b. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o pataas.
c. Ang lalaki ay dapat may 18 gulang o pataas habang ang babae ay dapat 18 gulang o mababa.
d. Wala sa itaas.

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pares na may pagkakaiba sa pinansyal at katayuan 
sa buhay?

a. Ang lalaki ay mayaman, ang babae ay mahirap
b. Ang lalaki ay 48 gulang, ang babae ay 30
c. Katoliko ang lalaki, ang babae ay Saksi ni Jehovah
d. Mataba ang lalaki, payat ang babae.

12. Isang organisasyon ng mga kababaihan ang GABRIELA na nagmula pa sa Estados Unidos at may 
sangay dito sa Pilipinas.Ang mga sumusunod ay kanilang mga pinagkaka-abalahan, maliban lamang sa:

a. pagbebenta ng mga kabataan sa iba’t ibang mga bansa
b. paglalako ng sex
c. pagkakaroon ng asawa sa pamamagitan ng koreo
d. relasyong pangkasarian sa bansa ng Asya at Amerika 

13. Nagdudulot ng kaguluhan sa pamayanan ang mga kilos protesta. Kailangang ipagbawal ang mga ito 
sa business areas, workplace, unibersidad at eskwelahan at ahensya ng pamahalaan. Ikaw ba ay:

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

14. Ang pagkakaroon ng kaalamang pulitikal ay hindi nangangahulugang pagpunta sa lansangan at 
pagsama sa mga kilos protesta.

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

15. Alin sa mga sumusunod ay katangian ng isang huwarang empleyado?

a. Tinitiyak ni Vanessa na marami siyang natatapos na gawain sa isang araw. Alam naman
niyang titingnan ng kanyang boss kung may pagkakamali siyang nagawa.
b. Tinitiyak ni Neil na palagi siyang nakahanda ano mang oras na kakailanganin siya ng kanyang
boss.
c. Ginagawa ni Richard ang mga gawain ng mga kasamahan niya kahit hindi ito ipinapagawa sa
kanya.
d. Kung maaari, iniiwasan ni Norman ang iba niyang kasamahan dahil sa gusto niyang
magtrabaho nang mag-isa.

16. Ang pagpasok nang maaga sa opisina ay tanda ng ___________.

a. isang responsableng empleyado
b. isang taong may kusang-gawa
c. isang taong madaling makibagay
d. isang taong may sariling-sikap

17. Mahilig si Jose sa mga gawaing may kaugnayan sa mga numero. Ang dapat niyang maging trabaho 
ay
__________.
a. kusinero c. konduktor ng bus b. barbero d. mekaniko
18. Sa paghahanap ng trabaho, ang una mong dapat gawin ay _________.
a. maghanap sa mga palathala o advertisements
b. magpainterbyu
c. ihanda ang bio-data
d. magpadala ng bio-data

19. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?

a. bio-data, resumé, application form
b. bio-data, application form, NBI Clearance
c. bio-data, NBI Clearance, rekord sa eskwelahan
d. application form, rekord sa eskwelahan, resumé

20. Nangyayari ang labis na stress kapag naaapektuhan ang iyong katawan dahil sa lubusang pagkagipit.  Alin sa sumusunod ang hindi pisikal na patunay ng labis na stress?

a. madalas na sipon
b. pag-iba sa gana ng pagkain
c. nananakit na likod
d. namamagang mga paa