Tunay na nakakagalit talaga ang pagkaunsyami ng resulta dahil karamihan sa mga kumuha ng 2016 A&E test ay pang-data lamang ang load ng kanilang mga cell phone. Naubos ang kanilang salapi sa maghapong pag-aantabay ng resulta.
Para maiwasan ito, dapat sana ay hindi na lamang nagbibigay ng takdang petsa ang Department of Education upang hindi sila mapulaan. Dapat ay sinisigurado nila ang takdang araw na ibinigay upang hindi magalit at mayamot ang mga naabala. Isa pa, dapat ay sinabi nila nang maaga pa na hindi matutupad ang kanilang naunang anunsyo upang mapaghandaan ng mga nag-aabang.