Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito hindi ng isang opinyon o kuro-kuro ng isang manunulat lamang kundi pinagsama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Kadalasan ang pangulong-tudling ay makikita sa likod ng unang pahina o front page ng isang pahayagan. Pagkaminsan, inilalarawan ng isang cartoon ang paksa ng isang editoryal. Ang pangulong-tudling ay isang mapanuring paglalarawan ng napapanahong isyu o kalagayan ng lipunan subali't hindi tuwirang naninira o tumutuligsa sa isang personalidad. Hindi nawawala ang editoryal sa isang pahayagan.
Nasa ibaba ang halimbawa ng isang pangulong-tudling o editoryal mula sa SINAG, opisyal na pahayagan ng Cesar E. Vergara Memorial High School ng Lagare, Lungsod ng Cabanatuan: