Module 7: Financial Fitness
“Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”
Be wise in using your money to have enough savings.
SESSION 6: EXPLORING SAVINGS AND LOANS IN THE PHILIPPINES
Activity 10: Financial Structures and Institutions and Application
Are you familiar with any of these names of financial institutions? Have you ever been to any of these places before? Do you have an account with any of them? (Pamilyar ka ba sa alinman sa mga pangalan ng mga institusyong pampinansyal na ito? Nakapunta ka na ba dati sa alinman sa mga lugar na ito? Mayroon ka bang isang account sa alinman sa mga ito?)
Pamilyar ako sa mga institusyong pampinansyal na ito dahil noong ako ay nasa ikaanim na baitang, nagpunta kami rito ng aking guro at mga kaklase upang magbukas ng isang savings account para sa mga bata. Nailabas ko ang perang aking inipon sa bangkong ito bago pa ito nagsara noong 2009.
Draw a map of your area that includes any financial institutions. Are
they close or far away? Do you know anyone who has used these institutions? If
so, how did they chose that particular one? (Gumuhit ng isang mapa ng iyong
lugar na may kasamang anumang mga institusyong pampinansyal. Malapit ba sila o
malayo? May kilala ka bang gumamit ng mga institusyong ito? Kung gayon, paano
nila napili ang partikular na iyon?)
May mga kakilala akong gumagamit ng mga institusyong pampinansyal na nakalagay sa aking ginawang mapa. Isa sa mga ito ay ang aking ina, mayroon siyang account sa Padre Garcia Multi-Purpose Cooperative dahil isa siyang kasapi rito. Ang aking Tita Azon ay madalas magpunta sa Western Union upang kunin ang padalang pera ng aking Tito Rey na nasa ibang bansa. Ang aking pinsan ay mayroon namang savings account sa Cebuana Lhuillier. May account ang aking Kuya Cardo sa RCBC Savings Bank.
Pinili nila ang mga institusyong nabanggit sa iba’t ibang kadahilanan. Ang aking ina ay dahil kasapi siya ng kooperatiba at nakauutang siya rito sa maliit na interes. Maasikaso at madali namang makakuha ng pera sa Western Union kaya dito nagpapadala ang aking Tito Rey. Madali namang magbukas ng savings account sa Cebuana Lhuillier kaya dito nag-iimpok ang aking pinsan. Kailangan ng aking Kuya Cardong magbukas ng account sa RCBC upang makuha rito ang kanyang sahod tuwing katapusan ng buwan.
Show the map to a family member or friend. Do they have any places to add? (Ipakita ang mapa sa isang miyembro ng pamilya o kaibigan. Mayroon ba silang mga lugar na maidaragdag?)
Ipinakita ko ang aking ginawang mapa sa isang miyembro ng pamilya. Wala naman siyang nakitang dapat idagdag pa rito dahil ito ay kumpleto na at maliit lang ang aming bayan.
Based on your map, list and categorize the financial institutions in
your area. (Batay sa iyong mapa, ilista at ikategorya ang mga institusyong
pampinansyal sa iyong lugar.)
Name of Financial Institution |
Address |
Type of Financial Institution |
Notes (For example, do I know someone
who belongs to this financial institution?) |
RCBC Savings Bank |
137 Rizal Avenue |
Commercial Bank |
Teller dito ang aking pinsan |
Padre Garcia Multi-Purpose Cooperative |
1 Jacinto Street corner Mabini Street |
Cooperative |
Opisyal dito ang aking ninong |
Western Union |
10 Mabini Street |
International Money Transfer |
Guwardiya rito ang aming kapitbahay |
Sto. Rosario Rural Bank |
130 Rizal Avenue |
Rural Bank |
Manager dito ang aking tita |
Cebuana Lhuillier |
98 Rizal Avenue |
Microfinance/ Microsavings |
|
Write your reflections on the mapping activity here. What did you learn?
Did anything surprise you? (Isulat ang iyong mga pagsasalamin sa aktibidad ng
pagmamapa dito. Anong natutunan mo? May bagay bang nakagulat sa iyo?)
Ang hamon sa aking sa paggawa ng mapa ay ang pagpunta mismo sa bayan dahil delikado itong gawin lalo na at may dalawang kaso ng Covid-19 dito. Gayunman, napag-alaman kong mayroon palang limang institusyong pampinansyal sa aming bayan na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyong pinansyal. Ang ikinagulat ko ay ngayon ko lang nalaman na maaari palang magbukas ng savings account sa Cebuana Lhuillier. Ang alam ko kasi noon ay sanlaan lamang ito o kaya ay padalahan ng pera.
Let’s Apply: Opening a Savings Account
Now you will open your own savings account! Go to the nearest bank and inquire about opening a savings account. (Ngayon ay magbubukas ka ng iyong sariling savings account! Pumunta sa pinakamalapit na bangko at magtanong tungkol sa pagbubukas ng isang asavings account. )
• Go to a teller and request for a list of requirements and forms. (Pumunta sa isang teller at humiling ng isang listahan ng mga kinakailangan at form.)
• Complete the forms and collect all the required documents. (Kumpletuhin ang mga form at kolektahin ang lahat ng kinakailangang mga dokumento.)
• Go back to the bank and open a savings account. You may need to do this on another day. (Bumalik sa bangko at magbukas ng isang account sa pag-iimpok. Maaaring kailanganin mong gawin ito sa ibang araw.)
Note: If this activity is not possible, ask a family member or friend who has a bank account about their experience (specifically, the steps) in opening a bank account. (Tandaan: Kung hindi posible ang aktibidad na ito, tanungin ang isang miyembro ng pamilya o kaibigan na may isang bank account tungkol sa kanilang karanasan (partikular, ang mga hakbang) sa pagbubukas ng isang bank account.)
What is important about opening and keeping a savings account? (Ano ang mahalaga sa pagbubukas at pag-iingat ng isang savings account ?)
Kailangan mong magbukas at magpanatili ng isang savings account upang mailagak mo rito ang iyong iniipong salapi nang ligtas at karampatang tubo. Kailangan mo rin ang isang savings account upang makapag-withdraw ka kahit saan gamit ang iyong ATM card. Kailangan mo rin ang account na ito kung meron kang buwanang pensyon. Higit sa lahat, kailangan mong magbukas ng savings account upang makahugot ka ng pera sa oras ng pangangailangan at hindi na mangutang pa.
What challenges did you face in opening a savings account? How did you address them? (Ano ang mga hamon na kinaharap mo sa pagbubukas ng isang account sa pag-iimpok? Paano mo tinugunan ang mga ito?)
Ang malaking hamon sa akin sa pagbubukas ng isang savings account ay ang pagsagot ng mga forms at pangangalap ng mga dokumentong kailangan. Natugunan ko naman ito sa pagtatanong sa masayahing empleyado ng bangko at sa tulong ng aking ina sa pangangalap ng mga papeles na kailangan.
Session 6 – Writing Space
We never stop learning. Based on that, it is helpful to take some time to reflect and ask ourselves what we learned in this module: (Hindi tayo tumitigil sa pag-aaral. Batay doon, kapaki-pakinabang na maglaan ng kaunting oras upang pagnilayan at tanungin ang ating sarili kung ano ang natutunan sa modyul na ito:)
1. How do the skills and other things I learned relate to my daily life? (Paano nauugnay ang mga kasanayan at iba pang mga bagay na aking natutunan sa aking pang-araw-araw na buhay?)
Ang mga kasanayan at iba pang mga bagay na aking natutunan sa modyul ay mahalaga sa aking pang-araw-araw na buhay dahil ang salapi ay kaakibat na ng buhay ng tao. Dapat kong malaman ang tungkol dito, kung paano ito pararamihin, at gagastusin upang hindi ako mabaon sa utang. Kailangang kong itala ang aking mga kinikita at gastusin upang mapaghandaan ko ang hinaharap o mabago ang aking maling gawi.
2. How can the skills and what I learned help me work better? (Paano makakatulong sa akin ang mga kasanayan at mga natutunan upang makapagtrabaho ako ng mahusay?)
Makatutulong upang makapagtrabaho ako ng mahusay ang mga kasanayan at mga nalalaman ko sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga ito. Ibig sabihin, dahil sa aking natutunan hinggil sa pagtitipid, magagamit ko ito sa kompanyang pinapasukan/papasukan sa pamamagitan ng paggamit ng mga office supplies nang sapat lamang, pagpatay ng mga kagamitang de-kuryente kung hindi ginagamit, at pagsunod sa badyet na itinakda ng kompanya.
3. What steps can I take to improve any of the skills or attitudes that I learned more about? (Anong mga hakbang ang maaari kong gawin upang mapagbuti ang alinman sa mga kasanayan o ugali na higit kong natutunan?)
Mapapabuti ko pa ang mga kasanayan at pag-uugaling natutunan ko sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagbabasa pa ng mga artikulo tungkol sa tamang paggasta ng salapi at pagbabadyet. Makatutulong din ang pag-attend ng mga talakayan at symposium tungkol dito.
Learner’s Reflection: Module 7 Financial Fitness
Remember this? You answered this at the beginning of the module. Answer it again and compare your results with your previous reflection. Is there a difference?
This is not a test but is a way for us to see what you already know or do not know about the topics. You will read a skill that is listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and the instructor know which topics may require more time, effort and guidance.
Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman
mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo
ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum.
Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng mga
pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong
kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang ito.
My Experience Knowledge, skills and abilities Kaalaman, kasanayan at kakayahan |
1 I don’t have any experience doing
this.
Wala akong karanasan
sa paggawa nito |
2 I have very little experience doing this
Kaunting- kaunti lamang ang aking nalalaman
sa paggawa nito |
3 I have some experience doing
this.
Mayroon akong
karanasan sa paggawa nito |
4 I have a
lot of experience doing
this.
Marami akong karanasan sa paggawa nito |
Identifying ways to access money / Pagtukoy ng mga paraan para
makalikom ng pera |
|
|
|
ü |
Understanding habits of good money management / Maintindihan ang mga mabubuting paraan sa paghawak ng pera |
|
|
|
ü |
Using ways to decrease one’s spending / Pagsasagawa ng mga paraan
para mabawasan ang
mga gastusin |
|
|
ü |
|
Identifying and planning for savings
/ Pagtukoy ng mga paraan at pagplano para makapag-ipon. |
|
|
|
ü |
Understanding debt and ways to avoid
getting into debt / Pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa pangungutang at mga paraan para makaiwas
sa pangungutang |
|
|
ü |
|
Keeping a record of one’s money and
knowing which things to keep a record of / Pagtatala ng aking pera at
kaalaman sa mga bagay na dapat itinatala |
|
|
|
ü |
Preparing a current budget for one’s
self and knowing what things to list in one’s
budget / Pagba- badyet para sa aking sariling pangangailangan, at pagtukoy ng
mga bagay na aking dapat ilista sa aking badyet |
|
|
|
ü |
Knowing which organizations one
could go to get savings and loans services in the Philippines / Alamin
ang mga organisasyon sa inyong lugar na maaring paglagyan ng perang naipon |
|
|
|
ü |
|
|
|
|
|