Showing posts with label Batch 2021-2022 Inter-division Revalida Guide Questions. Show all posts
Showing posts with label Batch 2021-2022 Inter-division Revalida Guide Questions. Show all posts

Thursday, April 28, 2022

Batch 2021-2022 Inter-division Revalida Guide Questions with Sample Answers in English and Filipino

Ano ang inter-division revalida?

        Ito ay isang tipanan ng isang ALS learner – yaong mga nakakuha ng 28 puntos pataas sa isinagawang division assessment sa kanilang Performance Portfolio – at ng Education Program Specialist II for ALS (EPSA) , kung  kailan isasasagawa ang pagsusulit sa pagbasa, pagsulat, at panayam upang matasa kung karapat-dapat na bigyan ng katunayan o sertipiko ang isang mag-aaral ng  ALS.


Ano-ano ang mga gabay na tanong sa isasagawang panayam sa inter-division revalida?

        Narito ang ilan sa mga tanong at halimbawang sagot: 

1. What were your overall scores in the pre and post-tests in your FLT and its equivalent literacy level? 

        My overall scores in my pre – and post – tests in my FLT were  30 and 53 and its equivalent literacy level was Junior High School.

 1. Ano ang iyong pangkalahatang iskor/marka sa iyong una at huling Functional Literacy Test (FLT) at ang katumbas nitong literacy level?

Ang aking pangkalahatang  iskor/marka sa aking una at huling Functional Literacy Test (FLT) ay  17 at 24  at may katumbas itong literacy level na Advanced Elementary.

TANDAAN:

Matutunghayan ninyo ang sagot sa unang tanong sa inyong Personal Information Sheet (PIS) Pre and Post Test.

2. Describe the process you underwent in preparing your Presentation Portfolio. What challenges did you face and how did you overcome them?

In preparing my portfolio, the first thing I did was to ask my teacher what formal records should be included there and how many sample works or performance outputs should be included in each learning strand.

        After learning the required documents, I filled out and answered these formal records one by one. I made sure they were clean, accurate, and complete.

I collated all my works and projects and arranged them per learning strand. In each learning strand, I selected only those works that best exemplified what I have learned. I made sure to include more than five of my best works to get the highest score.

        After my documents and work samples were neatly placed in a folder, I presented it to my teacher for her guidance, advice, and recommendations to further improve my presentation. I followed my teacher's last remarks and resubmitted my portfolio to her.

In preparing my portfolio, I faced some challenges. One of these was the lack of time because I am married and have a child and still working. To get through this, I had to talk to my husband and mother so that they can take on some housework that I couldn't do because of my portfolio.

I also had trouble answering and filling out some formal records because I didn’t fully understand them. What I did was go to my ALS classmate to ask for help. We asked our teacher for the questions we did not understand.

Putting sample works into Digital Literacy was also a big challenge because I
have very little knowledge of it. I watched YouTube where examples of work for Digital Literacy that can be placed in the portfolio were shown. I also asked my friend how to use a computer to create a bio-data or resume and job application letter in Word and how to make a presentation on PowerPoint.

We just need to ask for help from other people and look for sources of information and knowledge so that we can overcome the challenges of making a portfolio.

2. Ilarawan ang prosesong iyong pinagdaanan sa paghahanda ng iyong Presentation Portfolio. Anong mga hamon ang iyong hinarap at paano mo ito nalampasan?

Sa paghahanda ng aking presentation portfolio, ang una kong ginawa ay tanungin ang aking guro kung ano-anong pormal na rekord ang nararapat na isama rito at kung tig-iilang sample works ang dapat isama sa bawat learning strand. 

        Matapos malaman ang mga kinakailangang dokumento, isa-isa kong pinunan at sinagot ang mga formal records na ito. Tiniyak kong malinis, tumpak, at kumpleto ang mga ito.

Isinunod kong pagsama-samahin bawat learning strand ang aking mga gawa at proyekto. Sa bawat learning strand ay pinili ko lamang ang mga gawang pinakamainam na nagpapahayag ng aking natutunan. Tiniyak kong labis sa lima ang aking piniling mga gawa upang makuha ang pinakamataas na puntos

        Pagkaraang mailagay nang maayos sa isang folder ang aking mga dokumento at gawain, ipinakita ko ito sa aking guro para sa kanyang gabay, abiso, at rekomendasyon upang mapabuti pa ang aking presentasyon. Sinunod ko naman ang mga huling habilin ng aking guro at muli kong isinumite sa kanya ang aking portfolio.

Sa paghahanda ng aking portfolio, may ilang hamon akong  hinarap. Isa na rito ang kakulangan ng oras dahil ako ay may-asawa at isang anak at nagtatrabaho pa. Upang malampasan ito, kinailangan kong kausapin ang aking asawa at ina upang sila na muna ang umako sa ilang gawaing bahay na hindi ko magagawa dahil sa tinatapos kong portfolio. 

Naging problema ko rin ang pagsagot sa ilang  pormal na rekord dahil hindi ko lubos na maunawaan ang mga ito. Ang aking ginawa ay puntahan ang aking kamag-aral sa ALS upang humingi ng tulong. Ang mga tanong na hindi namin maunawaan ay tinanong namin sa aming guro.

Malaking hamon din ang paglalagay ng gawa sa Digital Literacy dahil kakaunti ang kaalaman ko rito. Nanood ako sa YouTube kung saan may ipinakikitang halimbawa ng mga gawang maaaring ilagay sa portfolio. Nagpaturo rin ako sa aking kaibigan sa paggamit ng kompyuter upang makagawa ng bio-data o resume at liham sa pag-aaplay ng trabaho sa Word at isang presentasyon sa PowerPoint.

Kailangan lamang na humingi tayo ng tulong sa ibang tao at mangalap ng pagkukukunan ng impormasyon at kaalaman upang malampasan natin ang mga hamon sa paggawa ng portfolio.

3. What learning goals were stated in your Individual Learning Agreement (ILA)? Give at least one (1) per Learning Strand. To what extent have you been able to achieve these learning goals?
To answer this question, look at what is written in your Individual Learning Agreement. Choose at least one per Learning Strand and state whether the learning goal was achieved POORLY, SATISFACTORILY, VERY SATISFACTORILY, or OUTSTANDING.

3. Anong mga layunin sa pagkatuto ang nakasaad sa iyong Individual Learning Agreement (ILA)? Magbigay ng hindi bababa sa isa (1) bawat Learning Strand. Hanggang saan mo nagawang makamit ang mga layunin sa pag-aaral na ito?

Sa pagsagot ng tanong na ito, tunghayan ang nakasulat sa iyong Individual Learning Agreement. Pumili ng hindi bababa sa isa sa bawat Learning Strand at sabihin kung ang layunin sa pagkatuto (learning goal) ay iyong NAKAMIT ng MAHINA, KASIYA-SIYA, LUBHANG KASIYA-SIYA, o NAMUMUKOD-TANGI.

4. Cite at least three (3) best Work Samples across six (6) Learning Strands which you are most proud of. Explain each work sample.

One of my best works is my PowerPoint presentation where I presented the importance and doing a simple budgeting so as not to fall short of spending and have enough savings for unexpected expenses such as sudden illness.

Second is the video clip I made where I showed the proper preparation, organization, and the actual feeding program for malnourished children and students in our barangay.

        The third great work I am proud of is the poster showing how to avoid Covid-19 and the importance of vaccination.

4. Magbanggit ng hindi bababa sa tatlong (3) pinakamahusay na mga Work Sample sa anim (6) na Learning Strands na iyong ipinagmamalaki. Ipaliwanag ang bawat sample.

Isa sa aking pinakamahusay na gawain ay ang aking PowerPoint presentation kung saan inilahad ko ang kahalagahan at paggawa ng isang simpleng pagbabadyet upang hindi kapusin sa panggastos at magkaroon ng sapat na ipon para sa mga hindi inaasahang gastusin tulad ng biglaang pagkakasakit.

Ikalawa ay ang ginawa kong video clip kung saan ipinakita ko ang wastong paghahanda at pag-oorganisa ng isang barangay feeding program para sa mga bata at mag-aaral na kulang ang sustansya sa katawan.

        Ang ikatlong mahusay na gawa na aking ipinagmamalaki ay ang poster na nagpapakita kung paano makaiiwas sa Covid-19 at ang kahalagahan ng pagbabakuna. 

5. Cite at least three (3) significant learning you gained from the ALS interventions that you can apply in real-life situations?

Some of the significant learnings I have gained that I can apply in my daily life are as follows:

        First, what I learned in creating biodata or resume and job application letter by using a computer and Word software program was very important because I could produce documents in my job search.

Second, I managed my income well and was no longer in debt because of what I had learned about proper savings, spending, and budgeting.

        Third, because I learned and realized my self-worth, strengths, and weaknesses I got along well with my neighbors and I learned to respect their beliefs and opinions.

Fourth, I learned my rights and obligations as a human being and as a worker that I can use in my interactions with others and in my work.

        Finally, what I have learned from valuing our nature and participating in community activities made me aware to take care of our natural resources and be a responsible member of the community.

5. Magbanggit ng hindi bababa sa tatlong (3) makabuluhang pagkatuto na iyong natamo mula sa mga interbensyon ng ALS na maaari mong gamitin sa totoong sitwasyon sa buhay?

Ang ilan sa mga makabuluhang pagkatuto na aking natamo na maaari kong gamitin sa aking pag-araw-araw na buhay ay ang mga sumusunod:

        Una, ang aking natutunan sa paggawa ng biodata o resume at liham sa pag-aaplay ng trabaho sa pamamagitan ng paggamit ng computer at Word software program ay napakahalaga upang makagawa ako ng mga dokumento sa paghahanap ko ng trabaho.

Pangalawa, naging maayos ang pamamahala ko sa aking kinikita at hindi na ako kinakapos dahil sa aking natutunan na wastong pagtitipid,paggastos, at pagbabadyet. 

Pangatlo, dahil sa natutunan kong pagpapahalaga sa aking sarili, mga kalakasan, at kahinaan ay naging maayos ang pakikitungo ko sa aking kapwa at natutunan kong irespeto ang kanilang mga paniniwala at opinyon.

Ikaapat, natutunan ko ang aking mga karapatan at obligasyon bilang isang tao at bilang manggagawa na aking magagamit sa aking pakikisalamuha sa iba at sa aking pagtatrabaho.

Pangwakas, ang aking natutunan sa pagpapahalaga ng ating kalikasan at pakikiisa sa mga gawaing-pambarangay ay malaki ang pakinabangan upang pangalagaan ko ang ating likas-yaman at maging isang responsableng kasapi ng pamayanan.

--o0o--
Source: DepEd Joint Memorandum No. DM-CI-2022-126 dated April 8, 2022

Please comment and share.