Wednesday, April 2, 2014

Essay Test

Para matulungan natin ang mga ibang kababayang kukuha ng pagsusulit sa susunod na pagkakataon, mangyari lamang na i-mensahe sa akin kung ano ang naging paksa ng sanaysay o essay sa nakaraang ALS A&E test. Hindi ito pandaraya dahil hindi naman ito ibibigay na muli. Bale gagawin lang itong halimbawa upang malaman ng ating mga kababayan kung paano sasagutin ang ganoong paksa.



Tulad nang nabanggit na, mahalagang maipasa ang essay part ng pagsusulit dahil baka ito ang maging dahilan upang hindi ninyo makamit ang inyong diploma mula sa ALS.

Magsanay tayo ng pagsulat ng sanaysay o essay.

Ang imahe sa itaas ay mula sa https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhnVpRCjsKPO4JWMdPSoyF95y0hFFOrytMXdT_3H_9O4ZFV2tAm0JBRa64OGC5RpNX_D5O5xUkInnL9dpymEjCP5D9kMOvME5M6ncPNg_YABRmkB6t7nTrpYJ6_07YDli1pyodLg2_VlMQ/s1600/Tips+in+writing+a+college+essay.jpg

Payo sa mga ALS Takers

Payo lang sa mga ALS takers na hindi pumasa sa nakaraang pagsusulit, hiwag po kayong mawalan ng pag-asa. Buhayin muli ang inyong pagnanasang makakuha ng diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS). Sa halip na magmukmok, saglit po tayong mag-isip at alamin ang kung saan at ano ang ating naging pagkukulandg sa pagrerebeisa at pag-aaral. Tanungin natin ang ating mga sarili:

1. Sapat ba ang inilaan kong oras sa pagrerebisa at pag-aaral?
2. Sapat ba ang aking paghahanda sa pagsusulit?
3. Ginagawa ko ba ang mga gawaing-bahay at mga pagsasanay na iniatang sa akin?
4. Humingi ba ako ng tulong sa aking guro, kaklase at kasambahay sa mga araling hindi ko masyadong maunawaan?
5. Anong parte ng pagsusulit o paksa ang hindi ko masyadong maintindihan?
6. Inuunawa ko ba ang paksa o kinakabisa lamang ang mga ito?

Kapag nalaman na natin ang ating mga pagkukulang sa pagrerebisa, pag-aaral at paghahanda, nararapat lamang na baguhin natin ang ating nakaraang istilo upang sa susunod na pagsusulit ay makapasa na tayo. Mainam din ang pag-aaral ng grupo para lubos na maunawan ang leksiyon.

Good luck sa susunod na pagsusulit ng ALS A&E sa taong ito!