Thursday, October 6, 2011

Mga Tips sa Pagsulat ng Sanaysay (Essay)

http://knol.google.com/k/essay-writing-help/how-to-write-an-argumentative-essay/2rjxmy56tmexc/7#

Dahil ang essay ay isang bahagi ng ALS A & E exam, nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong buwang ito. Ayon sa isang gurong nakausap ko na nagbabalik-aral sa mga kukuha ng test, may posibilidad na malaglag ang isang examiner na nakakuha ng mataas sa mutliple choice kung ang score naman niya sa essay ay mababa. Siyanga pala, ang essay part ng pagsusulit ay sa wikang Filipino (Elementary at Highschool).

Marami siguro ang magsasabing " ah, okay..Filipino, kayang-kaya ko 'yan!". Subali't sa katunayan, marami ang bumabagsak dahil sa essay part dahil hindi nila napag-igihan ang pagsulat ng kanilang mga sanaysay. Nasa ibaba ang ilang tips para sa isang mahusay na sanaysay:

Mga Tips Sa Pagsulat ng Sanaysay


1) Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic  ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, , isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?

2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay - dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban

3) Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit-ulit naman ang laman.

4) Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.

5) Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat sa bawat talata.

6) Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.

7) Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view).

8) Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)

9) Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.

Good luck sa mga kukuha ng pagsusulit!

35 comments:

ALTAR SERVER said...

Thank You for providing our Youth a sample tests reviewer for ALS A & E its a big help for them. God Bless and Keep up the good work that you started. Have a Peaceful day!

A student YRL said...

Thank you for this! Really need this! I hope I can pass the ALS test! -/\- please pray for me. I'll do my best!

Anonymous said...

I HOPE I CAN PASS THE ALS EXAM...
THIS IS MY CHANCE TO GO BACK SCHOOL

-FRANZ

Anonymous said...

To all the students of ALS.that will take the exam this coming Oct 13,2013,lets do our best to pass the exam,dont forget to pray to god,i wish we all pass the exam,goodluck guys...

Anonymous said...

diba nov.10 pa ang exam?

Anonymous said...

Sa lahat poh ng kukuha ng als exam. Gudluck po satin kaya poh natin to. Tiwala lang

Anonymous said...

GoodLuck sa mGa kukuha ng exam positive vibes tayo walang negative relax and enjoy .. sa sunday na po ang exam

Anonymous said...

Kinakabahan ako sa sunday..essay palpak pa naman ako gumawa nun ): huuuuuuh sana maayus ko lahat...

Unknown said...

eto na yung chance para satin na mag eexam sa sunday. sana maka pasa tyo sa essay writing. gudluck 2 all !

Anonymous said...

pwd pa po vah humabol sa pag enroll this month of april sabi po kc nung march lang po daw ang enrollment eh gusto ko po sanang malaman kung ok lang po vah?

Anonymous said...

eto na ung matagal kunang pinangarap na sana makapagpatuloy ako sa pag aaral sana pwd pang humabol ;(;(

Anonymous said...

Nabigu man aq sa nakaraang taon. D ako titigil hangat sa maipasa q ang exam nato. Ika nga pag may tiyaga may nilaga :-) pa2luy lang ang pangarap!

Anonymous said...

I wish mkapasa aq d2 plzz lord guide me ...

Anonymous said...

Nakakatuwang basahin na marami ang mga gustong makapasa sa ALS. Subalit nakakalungkot namang makita na sa simpleng pagsulat ng kumento, "jejemon" ang gamit na estilo. Kaya lubhang napakahirap sa aming mg IM ang magturo ng essay -- ang simpleng "po" ay isinusulat pa ng "poh"; ang "ba" ay ginagawang "vah". Saan bang paaralan natutunan iyan? Kung gusto ninyong pumasa, gawin ang tama. Mag-isip ng makabuluhan at magsulat gamit ang tamang porma. Hindi nakakadagdag sa katalinuhan ang mali at walang kabuluhang "jejemon".

Anonymous said...

determinasyon,inspirasyon,pananalig sa diyos,at lakas ng loob ang ating baunin sa darating na exam^_^ sana makapasa tayong lahat para sa magandang kinabukasan,

Anonymous said...

Importante po sa mga kagaya ko ang pag check ng essay. Mayroon po bang tutulong sa pag check? Salamat po! God bless sa exam takers

Anonymous said...

TNX.

Anonymous said...

tnx tnx tnx tnx tnx tnx tnxt nt xtntnxntntxntnxntxt

Anonymous said...

GOD BLESS US!!! :D

KAYA NATIN TO!!!

Melissa said...

Sa lahat ng kukuha ng pagsusulit sa Ika-14 ng Disyembre. Wag tayo mawawalan ng pagasa. Tiwala lang sa sarili at sa ating Maykapal. Wag magisip ng negatibo. Kayang kaya natin ito. Goodluck sa ating lahat. -Melissa Lopez from Don Roces H.S

Anonymous said...

Hindi tuloy ang huli nating test sa december mgiging january na daw

Marecel lacerna from parada national high school

Anonymous said...

Makapasa sana ako sa ALS exam <3

= DoTa:) <$

Anonymous said...

Sana'y makapasa tayong lahat sa araw ng exam. Gabayan sana tayo ni God at wag mawalan ng pagasa. ����✏️��

Anonymous said...

Sana maipasa ko tong exam at essay at naniniwala akong kakayanin ko ito god tulungan mo po ako na maipasa tong exam amen.

Anonymous said...

sana mapasa ko ang als exam!!

Anonymous said...

I'll do my best that I can to pass the upcoming exam..to all my classmates and fellow learners..May God be give us strength,knowledge and determination to overcome it.

Anonymous said...

Good luck to all and god bless

Unknown said...

Hi po, kakatapod lang po nh exam namin. Sobrang nagaalala po ako sa essay na nagawa ko. Alam ko pong walang mali sa grammar at punctuation ko, as far as I know.

Doon lang po sa body and conclusion nagkabaliktad po. Parang yung dapat na nasa body eh sa conclusion ko po nailagay. Imbes na yung pinaka-topic po ang tinalakay ko eh iba naman.

MAY PAG-ASA PO KAYA AKONG PUMASA? Depressed na depressed na po kasi ako kakaisisip. Salamt po sa sasagot! :)

Unknown said...

Hi po, kakatapod lang po nh exam namin. Sobrang nagaalala po ako sa essay na nagawa ko. Alam ko pong walang mali sa grammar at punctuation ko, as far as I know.

Doon lang po sa body and conclusion nagkabaliktad po. Parang yung dapat na nasa body eh sa conclusion ko po nailagay. Imbes na yung pinaka-topic po ang tinalakay ko eh iba naman.

MAY PAG-ASA PO KAYA AKONG PUMASA? Depressed na depressed na po kasi ako kakaisisip. Salamt po sa sasagot! :)

Unknown said...

Hi po, kakatapod lang po nh exam namin. Sobrang nagaalala po ako sa essay na nagawa ko. Alam ko pong walang mali sa grammar at punctuation ko, as far as I know.

Doon lang po sa body and conclusion nagkabaliktad po. Parang yung dapat na nasa body eh sa conclusion ko po nailagay. Imbes na yung pinaka-topic po ang tinalakay ko eh iba naman.

MAY PAG-ASA PO KAYA AKONG PUMASA? Depressed na depressed na po kasi ako kakaisisip. Salamt po sa sasagot! :)

Anonymous said...

Stay strong! Ate makakapasa ka :)

John Lester Asesor said...

nako parehas lng rayu may contest saamin sa journalism pipili kung sinu ilalaban sa division

John Lester Asesor said...

Yup makakapasa kq

Unknown said...

Good day po Sir/Ma'am,
Kaylan po ulit ang exam ng ALS?

Hope to hear from you Sir/ Ma'am
Thanks

Unknown said...

Wag ka mag alala may awa ang may kapal trust him and he will give you what you want😊😉😉😊😊😇😇