TANDAAN
A. PERIMETER or CIRCUMFERENCE
1. Ang perimeter ng circle ay ang mismong
circumference nito katulad ng makikita sa larawan sa
itaas.
2. Para
makuha ang perimeter, dapat ay alam natin ang value ng circumference.
3. Makukuha
ang value ng circumference o perimeter sa pamamagitan ng pagkuha ng value ng π (o PI = bigkas pie, tulad ng pizza pie) times (x) value
ng diameter.
4. Ang diameter o ang linyang kulay asul na
humahati sa gitna ng isang bilog o circle tulad ng makikita sa larawan, ay kutambas ng
dalawang radius. In
symbol,
d = 2 times radius OR d = 2 x radius OR d = 2r
5. Dahil ang diameter ay katumbas ng isang radius, ibig ding sabihin nito na ang radius ay katumbas ng KALAHATI (1/2 or one-half)) ng DIAMETER. Ibig sabihin, radius = diameter/2
or r = 1/2d
Halimbawa:
a. Kapag ang radius ay 4m, ang diameter ay 2 x 4m = 8m.
b. What is
the diameter of the circle if the radius
is 3 ft?
d = 2 x radius = 2 x 3 ft = 6 ft.
c. Give the radius of the circle if its diameter is 16 cm?
r = 1/2 diameter = 1/2 x 16 = 16/2 = 8 cm
B. AREA of
CIRCLE (Lawak ng Bilog)
1. Ang area o lawak ng circle ay ang value ng π (pi) times (x) radius times(x) radius. In symbol,
A = pi x radius x radius
OR A = pi x r2 OR A
= πr2
2. Ang π or PI
ay may value na 3.14159.... pero kalimitang ginagamit ang 3.14 para mapasimple ang computation.
Mga
Halimbawa:
a. Ano ang area (lawak) ng bilog (circle) kung ang diameter nito ay 9 cm?
Steps:
1. Isulat ang
formula sa pagkuha ng area ng circle.
A = πr2 or A = pi x radius x radius
2. Dahil alam
na natin ang value ng pi na 3.14, kunin natin ang value ng radius. Makukuha natin ito dahil alam natin
na ang katumbas ng radius ay KALAHATI ng
DIAMETER.
r = 1/2d
= 1/2 x 9 = 9/2
= 4.5 cm
3. Makukuha
na natin ang value ng AREA dahil alam na natin ang value ng pi at ng radius.
Pi or π = 3.14 cm
radius (r) = 4.5 cm
Area = π r2 = 3.14 x 4.5 x 4.5 = 63.59 cm2
Sana ay
maunawaan.