Showing posts with label ALS A&E Reviewer - LS 3 - Sustainable Use of Resources and Productivity. Show all posts
Showing posts with label ALS A&E Reviewer - LS 3 - Sustainable Use of Resources and Productivity. Show all posts

Sunday, March 4, 2018

REVIEWER: Learning Strand III - Sustainable Use of Resources & Productivity


Learning Strand III – Sustainable Use of Resources & Productivity
Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Kapag sumasapit ang tag-ulan, dumadami rin ang kaso ng dengue. Ito ay sa kadahilanang nakapapangitlog ang mga lamok sa mga sisidlang may naiwang tubig ulan. Ano ang hindi nakatutulong upang maiwasan ang sakit na dengue?
A. Laging takpan ang mga inipong tubig sa bahay
B. Magsuot ng shorts habang na naglilinis ng mga basura sa bakuran upang hindi marumihan
C. Huwag magtambak ng tubig o mga bagay na maaaring pamugaran ng itlog ng mga lamok sa bahay
D. Suriin at ayusin ang mga daluyan ng tubig upang hindi pamahayan ng mga lamok

2. Ano sa mga sumusunod ang hindi maaaring ituring na epekto ng patuloy at walang habas na paggamit ng mga pestisidyong kemikal?

A. panganib sa kalusugan ng gumagamit
B. panganib sa kalusugan ng mga mamimili
C. pagguho ng lupang pinagtataniman
D. polusyon sa hangin

3. Papaunti nang papaunti ang nakikitang monkey-eating eagle sa Pilipinas. Kapag nagpatuloy ang sitwasyong ito, ito ay nangangahulugan na ang mga agila ay _____.

A. nagbabago ng ugali
B. lumilipat ng tirahan
C. hinuhuli at ginagawang alagang hayop o pet
D. nanganganib na mawala at maubos

4. Dumarami ang paglipat ng mga taga-Bisaya at Mindanao sa Kalakhang Maynila dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Isa sa nakikitang problema sa urban ecosystem ay ang ____.

A. pagdami ng bilang ng mga trabahador kaysa sa mga mag-aaral
B. pagdami ng populasyon sa nilipatang lugar
C. pagbaha tuwing may malakas na ulan o bagyo
D. pagkaubos ng mga punong humahawak sa lupa

5. Ano ang pangunahing katangian ng isang negosyante?

A. maraming konecksyon sa gobyerno
B. malaki ang kapital
C. risk-taker o hindi takot makipagsapalaran
D. ang tumubo ng malaki

6. Upang lumaki ang ani, ang lupang pinagtataniman ay nararapat na may sapat na mineral. Ano ang gagawin kung kulang ng mineral ang iyong taniman?

A. pumili ng magandang binhi
B. lagyan ng pataba ang lupa
C. siguruhing may suplay ng tubig o irigasyon
D. magpapalit-palit ng tanim

7. Ano ang maaaring epekto ng patuloy na paggamit at pagsunog ng styrofoam, paggamit ng hair spray at mga kagamitang nangangailangan ng chlorofluoro carbon (CFC).

A. mas mahabang araw kaysa gabi
B. mas mahabang gabi kaysa araw
C. paiinit ng mundo o global warming
D. pagbaba ng ani o produksyon ng pagkain

8. Ang freshwater ecosystem ay maaaring makaranas ng problema kung _____.

A. may katatagan ang ekonomiya ng bansa
B. magkakaroon ng panahon sa paglilibang
C. mapabubuti ang kalidad ng hangin
D. hindi tama ang pagtatapon ng basura

9. Ang mura ami ay isang paraan upang tumaas ang produksyon subali’t hindi ito pinahihintulutan dahil nakasisira ito sa ating likas na yaman. Anong likas na yaman ito?

A. mineral
B. tubig
C. lupa
D. gubat

10. Sa panahon ng tagtuyot, nagkakaroon ng suliranin ang mga magtatanim sa suplay ng tubig. Alin sa mga pamamaraan sa ibaba ang makapagbibigay ng tubig sa mga pananim?

A. pagpili ng de-kalidad na binhi
B. irigasyon
C. contour planting
D. crop rotation o pagpapalit-palit ng pagtatanim

11. Pagkatapos ng bagyo, kalimitang tumataas ang presyo ng mga gulay. Bakit?

A. Tumataas kasi ang presyo ng gasolina pagkatapos ng bagyo
B. Maraming tao ang nais kumain ng mga gulay.
C. Nasira ang mga pananim kaya’t bumaba ang suplay sa merkado
D. Tumaas din ang presyo ng mga gulay na inaangkat sa labas ng bansa

12. Isa sa mga kadahilanan ng erosion o pagguho ng lupa ay dahil sa _____.

A. pagsusunog ng mga basura
B. pangingisda gamit ang dinamita
C. pagmimina sa kagubatan
D. pagsasaka gamit ang teknolohiya at irigasyon.

13. Namamalantsa si Kulasa nang biglag madaiti ito sa mainit na plantsa. Kung ikaw ang nakakita sa pangyayari, ano ang una mong dapat gawin matapos bunutin ang plug ng plantsa?

A. pahiran ng colgate o oitnment ang kanyang paso
B. painumin siya ng pain reliever
C. lagyan ng yelo o malamig na tubog ang parteng napaso
D. bigyan siya ng mouth to mouth resuscitation

14. Hindi makatutulong ang nasa ibaba upang mahikayat ang mga trabahador na magtrabaho nang magaling at mahusay.

A. Pagiging parehas at tapat ang kumpanya sa mga empleyado nito
B. Binibigyan sila ng karampatang sahod, benebisyo at insentibo
C. Minamatyagan ng may-ari ang bawa’t kilos at galaw ng manggagawa
D. Binibigyan sila ng sapat na pahinga

15. Isa sa mga bentahe ng teknolohiya ay nababawasan nito ang bilang ng mga manggagawa. Ito ay nangangahulugan ng ______.

A. kawalan ng trabaho ng mga manggagawa
B. pagkaubos ng likas na yaman
C. pagbabago ng ugali ng mga trabahador
D. paglikha ng mga nagbibigay kasiyahang trabaho.

16. Matatawag na de-kalidad ang isang produkto kung ito ay _____.

A. galing sa ibang bansa
B. maganda
C. mamahalin
D. matibay

17. Karaniwan nang nagpapatupad ng isang pamantayan (standards) sa operasyon ang isang kumpanya. Ito ay mahalaga dahil ______.

A. naipapaliwanag nito ang pinagmulan, vision at mission ng isang kumpanya
B. nakapaloob dito ang tubo at gugulin ng kumpanya
C. tinatalakay nito ang mga tungkuling dapat gampanan ng mga manggagawa kabilang na kung paano ito isasakatuparan
D. nakapaloob dito ang mga plano ng kumpanya sa hinaharap

18. Pinagkatiwala ni Mario ang kanyang binuksang Coffee Shop sa kanyang mapagkakatiwalaan at matalik na kaibigang si Onyok. Dahil walang alam sa pangangasiwa, unti-unting nalulugi ang negosyo. Ano ang dapat gawin ni Mario upang maisalba ang kanyang ipinundar?

A. Alisin si Onyok sa pangangasiwa
B. Padaluhin si Onyok sa mga seminar tungkol sa pangangasiwa ng isang coffee shop
C. Ilipat sa mas mataong lugar ang coffee shop
D. Palitan ang barista

19. Isang brand ng cell phone ang pansamantalang inalis sa merkado dahil sa nababalitang pagputok ng baterya nito habang nakasaksak sa kuryente. Ano ang magiging epekto ng balitang ito?

A. Lalakas ang benta ng nasabing cell phone dahil maraming tao ang nakaalam dito
B. Maraming tao ang bibili nito upang mapatunayan kung tama o mali ang balita
C. Bababa ang bentahan ng nasabing cell phone dahil maraming tao ang natakot
D. Itataas ng kumpanya ang presyo ng cell phone matapos maayos ang problema
20. Sa puhunang Php 200.00 ay nakagagawa si Aling Lucing ng 20 tuhog ng banana cue. Sa pagtaas ng presyo ng saging dahil sa Bagyong Mulawin, ilang tuhog ng banana cue ang magagawa niya sa kaparehong puhunan?

A. pareho pa rin
B. lampas sa 20
C. kulang sa 20
D.  wala sa itaas

21. Alin sa mga sumusunod ang anyong monopoly o monopolyo sa pamilihan?

A. IIsa lamang ang taga-suplay ng produkto o serbisyo sa pamilihan
B. Nagkakaroon ng kasunduan ang bawat prodyuser sa pagtakda ng presyo sa pamilihan
C. Kakaunti ang bilang ng mga prodyuser na sumasapi sa pagtitinda ng produkto o pagbibigay ng serbisyo
D. Mahigpit ang kumpetisyon sa pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamilihan

22. Ang itinayong babuyan at manukan sa Barangay Loob ay malapit sa kabahayan kung kayat naglipana ang mga langaw sa kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na gawin ng mga naninirahan sa barangay?

A. ipagbigay alam sa punong-barangay ang problema
B. sumangguni sa DENR upang bigyang kaligtasan ang problema
C. harangan ang tarangkahan ng babuyan at manukan upang hindi makapasok ang mga nagdedeliver ng mga pagkain ng mga hayop
D. kausapin ang may-ari at ipagbigay-alam ang perwisyong dulot ng kanyang negosyo

23. Ang Rural Bank ng San Antonio ay nagbibigay ng patubong 8% kada buwan sa Php 1,000.00 hiniram samantalang ang Insiders Cooperative ay may interest na Php 60.00 bawat buwan sa inutang mong Php 1,000.00. Saan ka dapat humiram ng pera?

A. Rural Bank of San Antonio
B. Sa 5-6
C. Insiders Cooperative
D. SSS

24. Ang pagsasaka ay napakahalaga sa kabuhayan ng Pilipinas. Paano mapapakinabangan nang mahusay ng agrikultura ang ating mga likas na yaman?

A. huwag itong galawin
B. hindi ito gagamitan ng makabagong teknolohiya
C. pangangalagaan ito
D. gagamitin ito hanggang maubos

25. Nangangailangan ng pagpapatayo ng bahay at panggatong si Nardo. Anong likas na yaman ang kanyang kailangan?

A. mga kahoy galing sa kagubatan
B. lahar na galing sa sumabog na bulkan
C. mga kabibe at coral galing sa dagat
D. mga mineral na galing sa ilalim ng lupa

26. Para maiwasan ang anumang sakuna sa isang pagawaan, ang nangangasiwa ay dapat na _____.

A. isara ang pagawaan
B. magtanggal ng ilang manggagawa
C. regular na siyasatin ang mga makina, pasilidad, at kagamitan
D. bigyan ng karagdagang sahod ang mga trabahador

27. Magiging mas produktibo ang isang manggagawa kung _____.

A. ipagbabawal ang breaktime upang mas maraming produkto ang magawa
B. hahayaang magpahinga ang mga manggagawa hanggang gusto
C. babawasan o lilimitahan ang oras ng trabaho
D. bibigyan ng nararapat na benepisyo

28. Paano mailalarawan ang paggawa ng produkto?

A. galing ibang bansa ang ginamit sa paggawa nito
B. mura ang ginastos subalit may kalidad ang produkto
C. nagagandahan ang mga konsyumer sa produkto
D. maayos na pagkakaanunsyo sa produkto

29. Sa pamamagitan ng mass media, madaling naikakalat ang impormasyon sa iba’t ibang tao at lugar. Ano ang mabuting naidudulot nito sa atin?

A. pinabilis ng teknolohiya ang palitan ng kaalaman at impormasyon
B. nawala ang oras ng pakikipag-usap ng miyembro ng pamilya
C. naimpluwensiyahan ang kaugalian ng mga tao
D. nakalilikha ng kasiya-siyang trabaho

30. Ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa ay tungkulin ng mga nangangasiwa. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Magsagawa ang mga may-ari ng kumpanya ng mga pagsasanay sa mga empleyado upang higit silang maging produktibo
B. Magpagawa ang nangangasiwa ng klinika sa loob ng pagawaan
C. Kumuha ng serbisyo ng abogado upang protektahan ang kumpanya
D. Tiyaking ligtas sa anumang kapahamakan ang mga trabahador sa kanilang pinagtatrabahuhan

31. Pinapalagay na isang dahilan ng pagkamatay ng Ilog Pasig ang pagdami ng populasyon sa lugar na urban. Ito ay sa kadahilanang ang maraming tao ay _____.

A. gumagamit ng leaded na gasolina para sa sasakyan
B. nagtatapon ng mga basura sa ilog
C. sumisira sa tirahan ng mga isda
D. nakakukuha ng sakit mula sa ilog

32. Nakasisira sa agricultural ecosystem ang paggamit ng kemikal at pestisidyo dahil sa ____.

A. nakatataas ito ng ani
B. nauubos nito ang mga peste
C. pagkawala ng mineral sa lupa
D. pagtaas ng uri ng pananim

33. Mahalagang pangalagaan ang ating mga ilog sapagka’t _____.

A. maraming makakuha ng sakit kung ang mga ito ay marumi at mabaho
B. maraming tao ang pinagkukunan ang mga ito ng hanapbuhay
C. ang mga ito at ang mga naninirahan sa ilalim nito ay mga likas na yaman
D. lahat nang nabanggit sa itaas

34. Sinasabing nakapapatay ng ibang kabuhayan ang iresponsableng pagmimina. Ang patotoo nito ay ______.

A. hindi binigyan ng may-ari ng minahan na magkaroon ng ibang hanapbuhay ang mga taong nakapaligid sa minahan
B. nasisira nito ang ilan sa mga likas na yaman na pinakikinabangan ng ibang tao
C. kinukuha ng mga minero ang lahat na likas na yaman na nakapaligid sa lugar na kanilang pinagmiminahan
D. direkta nitong pinapatay ang mga hayop na nakatira sa kagubatan

35. Ang negatibong epekto ng pagdami ng populasyon sa freshwater ecosystem ay sa kadahilanang ang maraming tao ay _____.

A. nakaragdag ng polusyon ng tubig
B. nangunguna sa paglilinis ng maruming tubig
C. tutulong upang mapanatili ang mga protected areas
D. hindi nangangailangan ng pagkain mula sa tubig-tabang

36. Ilan sa mga suliraning pagkalusugan sa urban na lugar ay ang bronchitis, hika, at sinusitis. Hindi makalulutas sa sitwasyong ito ang _____.

A. paggamit ng leaded na gasolina na nagtataglay ng carbon monoxide
B. pagsusunog ng mga basura para kumaunti ang kokolektahin
C. pagreresiklo ng mga plastic at di nabubulok na mga bagay
D. regular na pagtsek sa mga sasakyan

37. Ano ang masamang epekto ng climate change sa agricultural ecosystem ng ating bansa?

A. pagbaba ng presyo ng produkto
B. pagkasira ng mga taniman at pagkamatay ng mga hayop
C. pagtangkilik sa makabagong teknolohiya
D. pagtaas ng produksyon ng palay

38. Upang lumago ang produksyon ng panamim, gumanda ang kita, at mabayaran ang kapital na inutang, nararapat na ang isang magsasaka ay ________.

A. bilhin lahat ang nagustuhang pataba
B. komunsulta sa eksperto sa pagsasaka
C. dagdagan ang inutang na kapital
D. sumubok ng iba’t ibang pestisidyo

39. Ano ang katangian ng isang bansang may malayang pamilihan?

A. limitado lamang ang maaaring bilhin sa merkado
B. gobyerno ang nagdidikta kung anong produkto lamang ang dapat iprodyus
C. maraming pamilihang maaaring pagpilian ang mga mamamayan
D. hindi makabili ang mga mamamayan ng mga produktong kanilang nais

40. Mahalaga ang motibasyon sa mga manggagawa upang _______.

A. sila ay manatiling matapat at totoo sa kumpanya
B. galingan nila ang kanilang trabaho
C. ganahan silang pumasok araw-araw
D. lahat nang nabanggit sa itaas

41. Ang isang kooperatiba sa isang barangay ay mainam dahil ______,

A. magtitipid ang lahat ng naninirahan sa barangay
B. magkakaroon ng pondo ang kapitan ng barangay
C. magkakaroon ng bagong daan patungong bayan
D. magkakaroon sa pamayanan ng magbebenta ng mga paninda sa maktwirang presyo

42. Hindi katangian ng isang matagumpay na negosyante ang ______.

A. magplano ng negosyo sa hinaharap
B. nagbenta ng produkto na may tubo
C. magtakda ng mataas na presyo sa produkto
D. alamin ang kapakanan ng mga trabahador

43. Ano ang dapat mong gawin kapag may nakikita kang nagtatapon ng mga basura sa ilog?

A. sumangguni sa barangay kapag nagmatigas
B. bulyawan at tambakan rin ng basura ang tapat ng kanilang bahay
C. kausapin nang mahinahon at ipaalam ang msamang epekto ng pagtatapon ng basura sa ilog.
D. parehong A at C

44. Ang malakas at malawak na kapangyarihan sa pamilihan ng mga prodyuser sa monopolyong anyo ng negosyo ay nangangahulugan na ______.

A. may pagsasabwatan sa presyo ng produkto ang mga negosyante
B. mataas ang presyo sa magkauring produkto
C. limitado lamang ang suplay na ipinagbibili sa pamilihan
D. malakas ang control ng mga negosyante sa suplay ng produkto

45. Matalino subali’t tamad ang isang katrabaho ni Pedro. Ano ang mabuti niyang gawin?

A. Bigyan ng karampatang parusa ang empleyado dahil sa pagiging tamad.
B. Bigyan ng babala ang empleyado na maaari siyang matanggal sa trabaho kung mananatiling tamad
C. Bawasan ang kanyang sahod ayon sa kanyang hindi natapos na gawain.
D. Kausapin ang empleyado, tanungin ang kanyang dahilan, at bigyan siya ng payo.

46. Ang mga babala na nakapaskel sa mga pinagtatrabahuhang lugar ay nagsisilbing _____.

A. kasangkapan
B. kagamitan
C. paalala na mag-ingat sa bawat sandali
D. dekorasyon sa mga dingding at pasilya

47. Isa sa mabuting epekto ng teknolohiya sa pamumuhay ng mga tao ay _____.

A. naiimpluwensiyahan nito ang pag-uugali ng mga tao
B. nakapagpadala ito ng mataas na pamantayan sa ating buhay
C. nakapagpadala ito ng mababang pamantayan sa ating buhay
D. lumikha ito ng hindi sapat sa trabaho

48. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay may parusang _____.

A. pagbabayad ng multa
B. paglilinis ng dagat
C. pagpapahiya sa buong barangay upang hindi pamarisan
D. pagkakakulong

49. Tungkuling pang-sibiko ang pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran sapagka’t ______.

A. ang mga tao ay itinakda ng Diyos na tagapag-alaga ng kapaligiran
B. ang mabuting mamamayan ay may obligasyon na protektahan at iligtas ang kapaligiran
C. ang mga tao lamang ang dahilan ng pagkasira ng kapaligiran
D. ang mga mamamayan lamang ang makalulutas sa mga suliraning pangkapaligiran

50. Pagkatapos ng Super Typhoon Yolanda, tumaas ang presyo ng mga agrikultura na produkto. Ito ay sanhi ng _____.

A. pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado
B. sadyang tumataas ang presyo ng mga produktong agrikultural tueing buwan ng Oktubre
C. nasira ang mga pananim at bumaba ang suplay
D. nasira ang mga taniman subali’t hindi naapektuhan ang suplay