Showing posts with label Mga katanungan ukol sa A&E Test. Show all posts
Showing posts with label Mga katanungan ukol sa A&E Test. Show all posts

Thursday, November 9, 2017

MGA KATANUNGAN UKOL SA A&E TEST - 3

Tunghayan ang paskel na ito na nagmula sa Facebook page ng Department of Education:


"Hindi magkasabay ang Accreditation and Equivalency (A&E) Test para sa taong 2016 at 2017. Wala ring portfolio assessment at essay sa pagsusulit dahil magmumula lamang sa multiple choice na eksam ang puntos ng mga kukuha ng pagsusulit. Pagkatapos ng pagsusulit ay ilalabas ang resulta nito na hindi hihigit sa tatlong buwan. Magkakaroon din ng certification ang lahat nang papasa.

Para sa karagdagang mga tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Schools Division Office o kaya’y tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa (02) 631-2588, (02) 631-2589, o (02) 631-2571."


Wednesday, November 8, 2017

MGA KATANUNGAN UKOL SA A&E TEST - 5

Sinu-sino ang maaaring kumuha ng Accreditation & Equivalency (A&E) Test? Tunghayan ang abiso ng Department of Education (DepEd) hinggil dito:



"Ang Accreditation and Equivalency (A&E) Test ngayong Nobyembre ay maaari mong kunin kung nagtapos ka ng ALS Program, at hindi pa nakakuha o kaya’y hindi pumasa sa nakaraang A&E Test. 

Maaari rin itong kunin ng mga adult taker na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at mga kabataang hindi nakapag-enroll sa pormal na paaralan upang mabigyan sila ng Certification of Learning. 

Para sa karagdagang tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Schools Division Office o kaya’y tumawag sa DepEd–Bureau of Education Assessment (BEA) sa (02) 631-2588, (02) 631-2589, o (02) 631-2571"

MGA KATANUNGAN UKOL SA A&E TEST - 4

Mga kailangan para makapagparehistro sa Accreditation & Equivalency (A&E) Test ayon sa Facebook page ng Department of Education:


"Upang makapagpa-rehistro sa Accreditation and Equivalency (A&E) Test, narito ang tatlong bagay na kailangan mong dalhin sa mga registration center:

(a) orihinal at kopya ng birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) o anumang legal na dokumento na may larawan, lagda, at pirma ng magpapa-rehistro; 
(b) dalawang kopya ng 1x1 ID picture na may puting background at name tag; at 
(c) orihinal at kopya ng Certification of ALS Program Completion, kung ikaw ay mag-aaral ng ALS.

Tandaan na libre o walang dapat bayaran sa pagpapa-rehistro at pagkuha ng A&E Test.

Para sa karagdagang tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Schools Division Office o kaya’y tumawag sa DepEd–Bureau of Education Assessment (BEA) sa (02) 631-2588, (02) 631-2589, o (02) 631-2571."

MGA KATANUNGAN UKOL SA A&E TEST - 2

Tunghayan ang mga sagot ng Department of Education (DepEd) ukol sa A&E Test:


"Certificate pa lamang ang ibinibigay sa mga pumasa sa Grade 10 o JHS. Ang ALS passer ay kailangan pa ring dumaan sa SHS na bahagi ng K to 12 program upang magawaran ng diploma.

Sa usapin ng pagpapa-rehistro, kung sakaling nawawala o naiwan sa probinsya ang iyong elementary card o diploma, maaaring dumulog ang iyong authorized representative sa SDO o eskwelahan na humahawak ng iyong school records upang sila na mismo ang kumuha ng iyong mga dokumento at maipadala ang mga ito sa iyo para makapagpa-rehistro.

Para sa karagdagang mga tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Schools Division Office o kaya’y tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa (02) 631-2588, (02) 631-2589, o (02) 631-2571."

MGA KATANUNGAN UKOL SA A&E TEST - 1

Nasa ibaba ang paskel mula sa Facebook page ng Department of Education. Nakasulat dito ang mga sumusunod:


"Maaari pa ring kumuha ng Accreditation and Equivalency (A&E) Test ang mga mag-aaral na walang Learner Reference Number (LRN). Ang mga adult taker na hindi dumaan sa ALS intervention ay pahihintulutan din na makapag-eksam. At kahit hindi nakapagtapos ng elementary, kung ang adult learner ay handa na sa Junior High School (JHS) exam ay kwalipikado na rin siyang kumuha ng pagsusulit.

Para sa karagdagang mga tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Schools Division Office o kaya’y tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa (02) 631-2588, (02) 631-2589, o (02) 631-2571."