PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Upang makapagbigay ng
pagmamahal o pag-ibig sa kapuwa, kailangan muna nating _______.
A. maging makasarili
B. mahalin ang ating
Panginoon
C. mahalin ang sarili
D. mahalin ang pamilya
2. Kung hindi maaagapan,
ang depresyon ay maaaring humantong sa pagpapatiwakal. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI sintomas ng depresyon?
A. laging balisa
B. malulungkutin
C. maaalahanin
D. labis na pagbaba o
pagtaas ng timbang
3. Alin sa mga sumusunod
ang may pinakamalaking kadahilanan sa ating katauhan o pag-uugali?
A. Relihiyon
B. Mga kaibigan
C. Pisikal na
kapaligiran
D. Pamilya
4. Matatanya ang halaga
ng ating pagkatao o self-worth sa
___________.
A. dami ng ating mga
kaibigan
B. halaga ng ating mga
ari-arian
C. pagkilala ng ating
lakas at kahinaan
D. taas ng ating sahod
5. Ito ay grupo ng mga
tao na nagtipon sa isang lugar at takdang oras para talakayin ang isang bagay
at makagawa ng desisyon tungkol dito.
A. pakikipagpanayam
B. talumpati o SONA
C. pagpupulong
D. demonstrasyon
6. Nasa loob ng simbahan
si Aling Tekla kasama ang kanyang anak na si Tiklo na magdadalawang taon gulang
pa lamang. Sa kalagitnaan ng sermon ng pari ay nag-iingay si Tiklo. Ano ang dapat
gawin ni Aling Tekla?
A. Pandilatan ng mga
mata ang anak
B. Ambaan ng pagpalo ang
anak
C. Ilabas muna ang anak
sa simbahan
D. Paluin ang anak nang
tumahimik
7. Kasalukuyang
nagtuturo si Ma'am Boba nang makitang naghaharutan sina Brutus at Papay. Ano
ang dapat niyang gawin para masawata ang gawaing ito?
A. Banggitin nang
malakas ang pangalan ng dalawa sa kanyang itinuturo
B. Batuhin ng tsok ang
dalawa
C. Ipatawag ang kanilang
mga magulang
D. Dalhin sa Principal's
office ang dalawa
8. Sa pulong ng kooperatiba,
nagtaas ng kamay si Mang Gusting at nagsabing: “ Sinisigundahan ko ang mosyon!”
Ano ang kanyang ibig sabihin?
A. Nagbibigay si Mang
Gusting ng bagong mungkahi.
B. Sinusuportahan niya
ang mungkahing nabanggit.
C. Tinatanggihan niya
ang iminungkahi.
D. Tinatapos na niya ang
pulong.
9. Ano ang ibig sabihin
ng AIDS?
A. isang sakit na
nakakamatay
B. uri ng tulong para sa
mahihirap
C. istratehiya sa
paglaban sa mga kriminal
D. pandaigdigang pulisya
10. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI isang paraan ng ilegal na pangingisda?
A. pangingisda na
gumagamit ng dinamita
B. pangingisdang
muro-ami
C. ang paggamit ng
lambat na may malalaking butas
D. pangingisda na
gumagamit ng cyanide
11. Itinuro ni
Hesukristo sa mga tao na…
A. dapat nilang mahalin
ang kanilang sarili lamang.
B. dapat nilang mahalin
ang iba tulad ng pagmamahal nila sa sarili.
C. dapat nilang mahalin
ang sarili higit sa iba.
D. wala sa mga ibinigay
na sagot
12. Saang parte ng
kontinenteng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog-Silangan
B. Hilagang Kanluran
C. Gitnang Silangan
D. Timog-Kanluran
13. May kautusan pang
barangay tungkol sa pagtatapon ng basura na pinagtibay ng konseho ng Barangay
Loob. Ayon sa kautusan, dapat itapon ng mga naninirahan sa barangay ang
kanilang mga basura sa mga lugar na itinalaga lamang ng kapitan ng barangay.
Pero hindi alam ni Mang Juan ang kautusan na ito. Nasanay siyang magtapon ng
kanyang basura sa malapit na poste ng Meralco na nasa tabi ng bahay ni Aling
Maria. Ano ang dapat gawin ni Mang Juan?
A. Magsawalang bahala
B. Alamin ang mga batas
at kautusan ng pamayanan at sumunod sa mga ito
C. Ipagpatuloy ang
dating nakagawian kahit napagalaman na ang kautusan
D. Lahat ng nabanggit
14. Ang UN o United
Nations na itinatag noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay nilikha sa pangunahing
tungkulin ng
A. Pagpapanatili ng kapayapaan ng mga bansang
kasapi
B. Pagpapahiram ng kapital sa mahihirap na
bansang kasapi
C. Gumitna sa usaping pananalapi ng mga
bansang kasapi
D. Kumampi sa bansang mahina sa oras ng
digmaan
15. Ang “sitwasyong
panalo-panalo” ay isa sa mga proseso sa paglutas ng alitan na nakukuha dito ng
dalawang panig ang kanilang gusto. Karaniwa’y humahantong sila sa isang
kasunduan na pareho nilang sinang-ayunang kung saan magsalubong o magbigayan
sila sa gusto nilang mangyari.
A. sang-ayon
B. di sang-ayon
C. hindi sigurado
D. wala sa nabanggit
MGA SAGOT