Showing posts with label insulares. Show all posts
Showing posts with label insulares. Show all posts

Monday, November 7, 2011

ALS A & E Reviewer - Philippine History

Sa mga susunod na mga araw ay maglalabas ako ng mga reviewer para inyong mapag-aralan. Alam kong makatutulong ito sa inyong pagsusulit sa Alternative Learning Syste, (ALS) Accreditation & Equivalency (E & A) sa susunod na taon - 2012.


1. Ang "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas ay isang uri ng:
a. pabula
b. sanaysay
c. epiko
d. awit
e. alamat

2. Ang kauna-unahang kapital ng Pilipinas ay ang Lungsod ng"
a. Baguio
b. Cebu
c. Manila
d. Quezon
e. Davao


3. Ang "pilandok" o mouse deer ay isang uri ng mammal na makikita sa
a. Marinduque
b. Mindoro
c. Palawan
d. Camiguin Island
e. Bukidnon


4. Ang larawan sa itaas ay isang
a. unggoy
b. tarsier
c. daga
d. paniki
e. pusa

5.  Ang La Solidaridad ay isang
a. pahayagan lamang
b. samahan lamang
c. pahayagan at samahan
d. lugar sa Espanya
e. lugar sa Pilipinas


6. Ang mga sumusunod ay mga pangalang-panulat ni Marcelo H. Del Pilar maliban sa isa. Ano ito?
a. Lola Basyang
b. Plaridel
c. Piping Dilat
d. Dolores Manapat
e. Siling Labuyo

7. Ang unang Kastilang gobernador-heneral sa Pilipinas ay si
a.  Diego Ronquillo
b. Francisco de Sande
c. Miguel Lopez de Legaspi
d. Luis Perez Dasmarinas
e. Jose Torralba

8. Ang balangay ay isang uri ng
a. bangka
b. gusali
c. pamahalaan
d. kabibe
e. bulaklak

9. Ang pambansang bulaklak ng Pilipinas ay
a. kampupot
b. rosal
c. ilang-ilang
d. sampaguita
e. rosas

10.  Ang mga insulares ay mga tao sa ibaba, maliban sa isa. Ano ito?
a. mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas
b. mga Filipinong  ipinanganak sa Pilipinas na may dugong Kastila
c. mga unang Filipino
d. mga  Filipinong ipinanganak sa Espanya
e. mga Kastilang ipinanganak sa mga bansang sinakop nila

Tingnan ang mga sagot dito: