Friday, September 7, 2012

ALS A & E Test in October 2012

Kulang-kulang sa isang buwan ay sisimulan na ang pagsusulit ng Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Examinations ng Department of Education. Ito ay gagawin sa Buwan ng October 2012.

Dahil dito, hataw na ang ginagawang review ng mga estudyanteng nagpatala sa pagsusulit sa tulong ng kanilang mga guro at coordinators.

Narito ang ilang tips o dapat gawin ng mga kukuha ng ALS exams:

1. Dalhin ang mga kailangang gamit na nakasulat sa inyong permit o sinabi ng inyong coordinators.
2. Kung lapis ang gagamitin, siguraduhing may reserba kayo o kaya ay may dalang pantasa at pambura.
3. Basahin mabuti kung paano sasagutin ang mga tanong. Sundin ang sinasabi ng proctor.
4. Umihi muna bago pumasok sa kuwarto kung saan gaganapin ang pagsusulit.
5. Huminga nang malalim at maging kalma bago simulan ang pagsagot sa mga tanong.
6. Kung hindi sigurado ang sagot sa isang tanong, sagutin pa rin ito subali't lagyan ng maliit na marka sa tabi ng numero nito upang balikan kung sakaling may oras pa.
7. Gawing mabilis ang pagsagot sa mga tanong nguni't huwag mataranta. Kung may oras pa, basahin muli ang mga tanong at ang inyong sagot.
8. Saguting mabuti ang essay portion o sanaysay ng pagsusulit. Sa aking palagay, kahit mataas ang nakuhang marka sa multiplee choice kung napakababa naman sa essay ay BAGSAK o FAIL pa rin ang kalalabasan.
9. Gawing malinaw sa pagsusulat ng sanaysay/essay. Dapat ay may iisang diwa lamang ang isang paragraph at magkakaugnay ang bawa't paragraph.
10. Huwag agad lalabas ng silid kung sakaling may oras pa. Rebesahin ang inyong mga sagot.

8 comments:

Anonymous said...

hi ask ko lang kung na release na un diploma para sa ALS 2011? thank you =)

Unknown said...

sabi sa division dito sa ilocos na postpone yung test this oct.21? pede ko ba malaman kung kailan?

Anonymous said...

Im very exited for this.. I hope that i can pass this exam so next year i can go to college and persue my dreams.. :)) i will do my best for this..

-- Jun Renzo Laxamana
DasmariƱas Cavite..

renzo said...

Im very exited for this.. I hope that i can pass this exam so next year i can go to college and persue my dreams.. :)) i will do my best for this..

-- Jun Renzo Laxamana
DasmariƱas Cavite..

Unknown said...

paanu po bang magsubmit ng application dis coming next exams..para makapagtake naman ako ng exams

Jenny Lyn G. said...

Schedule for ALS A & E Test will be on the following dates:

Nov. 25, 2012- IV-A, IV-B & NCR
Dec. 2, 2012 - Regions I, II, III & CAR
Dec. 9, 2012- Regions V, VI,VII & VIII
Dec. 16, 2012- Regions IX, X, XI, XII, CARAGA & ARMM

Wait for the Official Memo to be uploaded at DepED Website

- Jenny Lyn G.

Unknown said...

Paano ba magenroll dito? Gustong gusto ko na magaral ulit

Anonymous said...

Hi! malaking tulong po itong page nyo. Gusto ko pong malaman pano ang registration ng ALS for this year (2013). requirements and process po sana. salamat po.