Ang pagsasanay na pagsusulit na ito ay hango sa Bureau of Alternative Education (BAE) para sa 2024 Accreditation and Equivalency (A&E) Test na itinakda pansamantala sa ika-25 ng Enero 2025 para sa Luzon at sa ika-2 ng Pebrero 2025 para sa Visayas at Mindanao.
Source: Bureau of Alternative Education (BAE)
Pasensya na sa mga maling tipa at gramatika na nawaglit na itama. Ikomento ang anumang maling sagot.
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
1.
Ang pagputok ng Bulkang Taal ay nagdulot ng pighati sa marami dahil sa
pagkamatay ng mga hayop at halamang pinagkukunan nila ng pangkabuhayan. Alin sa sumusunod na
larawan ang nagpapakita ng damdaming angkop sa salitang may salungguhit?
A.
2.
Batay sa binasa,
alin sa sumusunod ang
pinakaangkop na gagawin
ni Impen?
(A)
Isumbong si Ogor sa ina nito.
(B)
Pagtaguan na lamang
si Ogor.
(C)
Huminahon
at makipagbati na kay Igor.
(D) Isumbong si Ogor sa kapitan ng barangay.
Para sa Bilang 3
I |
II |
III |
balibol piko basketbol sipa |
sepak takraw
palo sebo sungka siyatong |
patintero luksong
tinik tumbang preso taguan |
3. Alin sa mga kahon sa itaas ang nagpapakita ng purong laro ng Lahing
Pilipino?
(A)
I lang
(B)
II lang
(C)
III lang
(D)
I at III lang
Para sa Bilang 4
4.
Batay sa pictograph na
makikita sa itaas, anong mga taon ang may
magkaparehong dami ng nabentang sasakyan?
(A)
2015 at 2017
(B)
2016 at 2018
(C)
2017 at 2018
(D)
2018 at 2019
Para sa Bilang 5
5.
Alin sa
sumusunod ang tamang karugtong ng pahayag na ito upang maipakita ang iyong
pag-unawa at pagpapakita ng saloobin ng tauhan batay sa pangyayari?
(A)
Inamo siya ni Leo.
(B)
Pinalayas niya si Leo.
(C)
Ipinakulong
siya ni Leo.
(D)
Pinalipat niya ng tirahan si Leo.
6.
Alin sa sumusunod na bahagi ng isang ulat ang katanggap-tanggap?
(A)
Ayon sa mga awtoridad ……………
(B)
Usap-usapan
sa may kanto ……………
(C)
May hinala ang kinauukulan ……………
(D)
Ipinalalagay
ng mga imbestigador ……………
Para sa Bilang 7
Si
Brenda ay tinulungan ng kanyang tiya upang makapag-aral, ngunit hindi ito sapat
para sa kanyang mga pangangailangan. Nagtinda siya ng mga pagkain sa kanilang
klase at tumutulong din sa tindahan ng kanyang tiya. Pursigido siyang makapagtapos
ng pag-aaral.
8.
Alin sa sumusunod
ang dapat gawin ni
Brenda?
(A)
Magsisikap
sa pag-aaral.
(B)
Kusang-loob na tutulong sa tiya.
(C)
Magsisipag
magtinda ng pagkain.
(D)
Aayusin ang iskedyul
ng mga gawain.
Para sa Bilang 8
Ang Matsing
at ang Pagong
A Philippine Folk Tale by Jose Rizal
Noong
una, magkaibigan sina Matsing at Pagong. Isang araw, may nakita silang puno ng
saging na lumulutang sa tubig. Nagpasiya silang hatiin ito sa dalawa upang
itanim. Kinuha ni Matsing ang itaas na bahagi, habang napunta kay Pagong ang
ibabang bahagi. Nabuhay ang saging ni Pagong, ngunit namatay ang kay Matsing.
8.
Kung hindi naging tuso si Matsing, ano kaya
ang magiging wakas ng kuwento?
(A)
Hindi na sila magbabati.
(B)
Mananatili
silang magkaibigan.
(C)
Iisipin ni Pagong na dayain si Matsing.
(D)
Hindi na nila hahatiin ang puno ng saging.
Para sa Bilang 9
Araw ng Linggo. Ang sabi ng nanay sa mga anak niyang
sina Aubrey at Lauren, “Maghanda na
kayo at may lakad tayo.” __________ nilang pinuntahan
ang hair salon at nagpagupit.
__________ kumain sila sa isang restawran. Nasiyahan sila sa dami ng pagkain. __________,
nanood sila ng sine. Ang __________ nilang
ginawa ay namili ng kani-kanilang pangangailangan. Umuwi silang masayang-masaya.
9.
Alin sa sumusunod na salitang naghuhudyat ang angkop na gamitin upang maging maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
(A)
Pagkatapos,
una, sumunod, huli
(B)
Sumunod, una, pagkatapos, huli
(C)
Una, pagkatapos, sumunod,
huli
(D)
Una, sumunod, pagkatapos, huli
Para sa Bilang 10
Bata
pa si Marcelito Pomoy nang iniwan siya ng kanyang ina at makulong ang kanyang
ama. Inampon siya ng isang pulis, ngunit nagdanas siya ng hirap sa kanyang
paglaki at natuto ng iba't ibang trabaho. Nang matuklasan niya ang kanyang
talento sa pag-awit, dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang buhay. Hindi man
siya nagwagi sa Talentadong Pinoy, nagwagi naman siya sa Pilipinas Got Talent,
na nagbigay katuparan sa kanyang pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit.
(A)
Nang ampunin sila ng isang
pulis.
(B)
Nang iwanan sila ng kanilang
ina.
(C)
Nang sumali siya sa Talentadong Pinoy.
(D)
Nang maging kampeon
siya sa Pilipinas
Got Talent.
11. Tuwing umaga, dahan-dahang dinidilig ni Kyle ang mga tanim na orchids ng kaniyang ina. Tuwang-tuwa ang mag-anak na nagkukuwentuhan sa hardin habang pinagmamasdan ang pamumulaklak ng mga ito.
Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang nagsasabi ng paraan,panahon at lugar?
(A)
dahan-dahang
dinilig ang orchids
tuwing umaga
sa hardin
(B)
habang pinagmamasdan
dahan-dahang dinidilig
tuwing umaga
(C)
orchids
habang pinagmamasdan
tuwang-tuwa
ang mga mag-anak
(D)
tuwang-tuwa
ang mag-anak
dahan-dahang dinidilig
habang pinagmamasdan
Para sa Bilang 12
“Di ako kumakain ng bigas, Major.
Sinasaing ko muna para maging
kanin.”
(Hango sa pelikulang “Batas sa Aking Kamay (1987))
12.
Batay sa
pahayag sa itaas, anong
estilo ng diyalogo
ang ginamit?
(A)
Eupemistiko
- katotohanan
(B)
Matalinghaga
- may lalim ang kahulugan
(C)
Pormal - angkop sa mga bata, gamit
ng guro
(D)
Bulgar - usapang
kalye, balbal, di-katanggap-tanggap
13.
Unang lumabas ang sikat na music video na
“Tala”
ni Sarah Geronimo
noong 2016. Subalit di ito napansin ng marami. Makalipas ang tatlong
taon, nagbalik at lumikha ito ng ingay sa social media matapos gawan ito ng “dance challenge”.
Alin sa sumusunod ang mensahe ng binasa sa itaas?
(A)
Ilan lamang ang pumansin dito.
(B)
Gumawa si Sarah ng bagong music video.
(C)
Matabang ang pagtanggap dito ng mga tao.
(D)
Sumikat din ang music video ni
Sarah na “Tala”.
Para Bilang 14
Masigasig
si Vicky sa pag-aaral dahil pangarap niyang maging guro. Nang magkasakit ang
kaniyang tatay, napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Isang araw, may
nagkuwento sa kaniya tungkol sa libreng edukasyon, kaya siya ay nagkaroon ng
interes dito. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral habang siya ay naghahanapbuhay.
14. Batay sa binasa, alin sa sumusunod ang pinakamagandang mangyayari kay Vicky?
(A)
Maghahanapbuhay siya upang ipagamot
ang tatay.
(B)
Magpapatuloy
siya sa pag-aaral at paghahanapbuhay.
(C)
Makapagtatapos siya ng pag-aaral at magiging isang guro.
(D)
Mapaglalaanan niya ng panahon
ang pag-aalaga sa kaniyang
tatay.
15. Alin sa sumusunod
ang higit na magandang estilo
sa pagsulat ng kuwento?
(A)
Gawing detalyado ang kuwento.
(B)
Magsimula sa magandang bahagi.
(C)
Simulan sa paglalaban at tunggalian.
(D)
Magbalik-tanaw para mapag-ugnay ang mga pangyayari
Para sa Bilang 16
Si
Maria ay nabansagang 'Mariang Mapangarapin' dahil lagi siyang nakatingin sa
malayo na wari’y nangangarap. Isang araw, binigyan siya ng kanyang manliligaw
ng isang dosenang manok. Inalagaan niya ang mga ito hanggang sa mangitlog.
Nagpasya siyang ipagbili ang mga itlog sa bayan upang makabili ng magarang
kasuotan. Habang lumalakad siya nang pakendeng-kendeng at hindi tumitingin sa
daan, nahulog ang lahat ng itlog na kanyang sunong.
16.
Kung siya’y hindi naging
mapangarapin, ano ang mangyayari sa kuwento?
(A)
Magiging malungkot ang buhay niya.
(B)
Tataas ang ambisyon
niya sa buhay.
(C)
Maibebenta
niya ang mga itlog at mabibili ang mga
pangangailangan.
(D)
Bibigyan muli siya ng isang dosenang manok ng kaniyang manliligaw.
17.
Alin sa sumusunod
ang mga salitang magkasalungat?
(A)
malaki - masikip
(B)
mabagal - mabilis
(C)
masarap – maasim
(D)
marikit - masungit
Para sa Bilang 18
Pagmasdan
ninyo ang munting papel na umalipin sa ating lahat sa mahabang panahon.
Kailangan na nating wakasan ang ilang daang taong pananakop ng mga Kastila.
Punitin nating lahat ang ating mga sedula!
Andres Bonifacio
18.
Ang pahayag na ito ay naganap sa isang
malaking pagtitipon ng mga Katipuneros sa Pugad
Lawin noon 1896.
Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang mabilis na paraan upang maipahayag ng mamamayan ang pagnanais na ipaglaban ang mga karapatan?
(A)
Paglahok sa mga rally.
(B)
Paggamit ng social media.
(C)
Pagpapadala
ng sulat sa kinauukulan.
(D)
Pakikipagdebate ukol sa mga patakarang tinututulan.
Para sa Bilang 19
Ang
dengue ay isang delikadong sakit na dulot ng lamok na tinatawag na Aedes
Aegypti. Lahat ng tao ay maaaring mabiktima ng sakit na ito. Upang maiwasan
ito, siguraduhing walang naimbak na tubig sa mga kanal at mga lalagyan na
walang takip.
19.
Alin sa sumusunod ang sumusuporta sa talata?
(A)
Huwag gumamit ng mga bagay
na ginamit ng biktima nito.
(B)
Gumamit ng face mask upang hindi
mahawa sa may dengue.
(C)
Uminom ng mga halamang herbal
upang labanan ang dengue.
(D)
Iwasang magkaroon
ng imbak na tubig sa mga kanal at mga basyong lalagyan.
20.
Alin sa sumusunod
ang nagpapahayag ng katotohanan?
(A)
Ang bato ay matigas.
(B)
Bubuhatin
ko ang buwan.
(C)
Nais kong magkaroon
ng anghel sa tahanan.
(D)
Mas ligtas kang sumakay sa jeep kaysa sa motor.
21.
Naglalaro ng mga online game sina Ferdie at Ernie sa computer shop at inaabot sila ng hatinggabi. Sa oras ng klase, napapansin ng guro na hikab nang hikab si Ernie. Ayon sa kuwento,
bakit kaya siya inaantok?
(A)
Nanonood pa siya ng TV matapos mag-aral.
(B)
Naglalaro
pa rin siya sa pagdating
ng bahay.
(C)
Nagawa niya ang lahat ng mga takdang-aralin.
(D) Nagpupuyat siya sa paglalaro ng mga online game
Para sa Bilang 22
Nilustay
ni Edward ang perang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Dahil sa labis na
sama ng loob, inatake sa puso ang kanyang ama at namatay. Itinakwil siya ng
kanyang galit na mga kapatid, habang labis itong ikinalungkot ng kanyang ina.
22. Kung hihingi ng tawad si Edward, ano ang malamang
na mangyayari?
(A)
Kamumuhian
pa rin siya ng mga kapatid.
(B)
Patatawarin
agad siya ng kaniyang mga kapatid.
(C)
Makikiusap
ang nanay niya na tanggapin siya ng mga kapatid.
(D)
Patatawarin
siya ngunit hindi siya patitirahin sa kanilang bahay.
23.
Alin sa sumusunod
na pangungusap ang may mga salitang
magkasingkahulugan?
(A)
Mataas ang puno sa tabi ng matayog
na gusali.
(B)
Hawakan mo ang lubid at bibitiwan ko ang pinto.
(C)
Nasa kanan ang kusina, nasa gitna ang hagdanan.
(D)
Ang mga batang lalaki at babae ay nakapila sa tapat ng paaralan.
Para sa Bilang 24
Isa
sa mga sikat na anekdota ay ang isinulat ni Dr. Jose Rizal tungkol sa kanyang
tsinelas. Habang sakay siya ng bangka, nahulog sa ilog ang isa niyang tsinelas.
Itinapon din niya ang isa pang tsinelas sa ilog.
24.
Ano ang dahilan
kung bakit naisipan ni Dr.
Jose Rizal na itapon na rin ang kapares ng tsinelas na nahulog?
(A)
Upang bilhan siya ng bago
(B)
Dahil magagalit ang nanay niya
(C)
Dahil hindi na niya magagamit
ang naiwang kapares
(D)
Upang magamit ito ng kung sino mang makapupulot nito
Para sa Bilang 25
Naging
Sultan si Pilandok
Naghimagsik
siya laban sa kanyang Sultan kaya ipinakulong siya at ipinatapon sa gitna ng
dagat. Nagulat ang Sultan nang makitang muli si Pilandok na magara ang kasuotan
at hawak ang makinang na espada. Hindi siya namatay; tinulungan siya ng kanyang
mga ninuno at binigyan siya ng mga kayamanan mula sa ilalim ng dagat. Humiling
ang Sultan kay Pilandok na isama siya roon. Nagkasundo sila na walang makaaalam
ng kanilang plano. Bilang kapalit, ipinagkaloob ng Sultan kay Pilandok ang
korona, singsing, at espada. Nagpatapon ang Sultan sa gitna ng dagat at
namatay. Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.
25. Batay sa kuwento, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba?
6 |
Nagpatapon ang Sultan sa dagat. |
5 |
Ipinakulong at ipinatapon si Pilandok. |
4 |
Namatay ang Sultan. |
3 |
Naging Sultan
si Pilandok. |
2 |
Naghimagsik si Pilandok sa Sultan. |
1 |
Nagkasundo si Pilandok at ang Sultan. |
(A)
1, 4, 3, 2, 6, 5
(B)
2, 5, 1, 6, 4, 3
(C) 2, 5, 6, 4, 1, 3
(D) 3, 5, 1, 4, 6, 2
Para sa Bilang 26
Bagama't
may naidudulot na kaginhawahan ang makabagong teknolohiya, maaari rin itong
magdulot ng mga negatibong epekto. Nakaaapekto ito sa kalusugan kung labis ang
paggamit, ngunit nagiging posible ang ugnayan kahit gaano man kalayo ang mga
tao sa isa't isa.
26.
Ano ang maaaring
pamagat sa talatang
ito?
(A)
Teknolohiya:
Kaibigan Ka Ba?
(B)
Teknolohiya:
Ikaw ang May Sala
(C)
Teknolohiya:
Pampaginhawa ng Buhay
(D)
Teknolohiya:
Positibo at Negatibong Dulot Nito
27.
Namiyesta si Grace. Naikuwento sa kaniya ang ginawang paghahanda
bago magpiyesta. Kung si
Grace naman ang magsasalaysay, alin sa sumusunod na pahayag ang may tamang gamit ng pandiwa?
(A)
Magpapasalamat sa lahat noong piyesta.
(B)
Nagkabit ng
mga palamuti bago magdiwang.
(C)
Maghahanda
ng pagkain pagkaraan ng piyesta.
(D)
Nagwawalis
ng kalsada nang nakaraang pagdiriwang.
ANSWERS:
==================================
1B 2C 3C 4B 5B 6A 7D 8B 9D 10D
11A 12B 13D 14C 15B 16C 17B 18B 19D 20A
21D 22C 23A 24D 25B 26D 27B
WHAT IS YOUR SCORE?
No comments:
Post a Comment